Gerald muling pinaligaya ang mga taga-Marawi | Bandera

Gerald muling pinaligaya ang mga taga-Marawi

|November 28,2017
facebook
share this

Gerald muling pinaligaya ang mga taga-Marawi

- November 28, 2017 - 12:30 AM


TULAD ni Robin Padilla, isa pang Kapamilya star ang walang sawang nagbibigay ng kanyang panahon sa mga biktima ng giyera sa Marawi, pati na rin sa mga sundalong Pinoy na nakipaglaban sa mga terorista.

Ang tinutukoy namin ay ang Ikaw Lang Ang Iibigin leading man na si Gerald Anderson na kamakailan lang ay personal na nagtungo sa Marawi upang makapagbigay-saya at tulong sa mga naapektuhang residente roon.

“Nakakatuwa na nakabisita tayo dito sa Marawi, kahit paano nakapagbigay tayo ng saya. Sana makabangon agad ang Marawi,” ayon sa binata.

Pinuntahan din ni Gerald ang ilang bahagi ng main battle area kung saan nakita niya kung gaano katindi ang naging epekto ng sagupaan sa pagitan ng Armed Forces at ng mga rebeldeng Maute.

Pagkatapos nito, game na game na nakisalo ang aktor sa “boodle fight” lunch kasama ang mga sundalo at civilian rescuers.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gerald ang ilang litrato na kuha sa pagdalaw niya sa Marawi gamit ang hashtag na #bangonmarawi.

Last Friday, bumisita rin si Gerald sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan kasama ang Kapamilya young actress na si Maris Rascal. Ito’y bilang bahagi ng 67th Founding Anniversary celebtration ng 1st Scout Ranger Regiment.

“Happy anniversary scout rangers..maraming salamat sa inyong sakripisyo para sa ating kaligtasan (sic),” an inilagaya na caption ni Gerald sa photo nila ng mga sundalo.

Samantala, patindi na rin nang patindi ang “giyera” sa pagitan ng karakter nina Gerald at Jake Cuenca sa nangungunang daytime drama series sa bansa, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Ngayong harapan na ang labanan ng dalawa, hanggang saan aabot ang galit at paghihiganti ni Carlos (Jake) laban kay Gabriel (Gerald)? Kailangan n’yong abangan kung anong pagtatraydor ang gagawin ni Carlos laban kay Gabriel at sa kanyang amaing si Roman (Michael de Mesa).

Siyempre, papayag ba si Carlos na magkaroon ng happy ending ang mag-asawang Gabriel at Bianca (Kim Chiu)?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang magaganap na shocking revelations sa Ikaw Lang Ang Iibigin kaya huwag na huwag na kayong bibitiw. Napapanood pa rin ito bago mag-Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending