Rio Locsin nahirapang huminga sa taping ng 'Black Rider'

Rio Locsin nahirapang huminga sa taping ng Black Rider?

Reggee Bonoan |March 08,2024
facebook
share this

Rio Locsin nahirapang huminga sa taping ng Black Rider?

Reggee Bonoan - March 08, 2024 - 04:19 PM

Rio Locsin nahirapang huminga, GMA walang 'medic' sa mga location shoot?

Rio Locsin

TRULILI kaya na wala pa ring medic sa location shoot ang GMA 7?

May sitsit sa amin na sa sobrang intense raw ng eksena ni Rio Locsin sa seryeng “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid ay nahirapan umanong huminga ang aktres at wala man lang daw medic na umalalay sa kanya.

“Actually, nasa TikTok na nga ‘yang eksena, check mo viral na,” sey ng aming source na ang tinutukoy ay ang video na kuha sa taping ng “Black Rider” kung saan iyak nang iyak si Rio.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre may paalala sa sarili at netizens: Hinga, maging mabait sa iyong sarili

May mga nakita na rin kaming post sa social media na ibinalitang nahirapang huminga nga si Rio pagkatapos ng kanyang madramang eksena.

Bukod kay Ruru na nakayakap kay Rio, may ilang staff din na lumapit sa aktres at tila nagtanong kung okay lang siya. Tumango naman ang veteran star pero tuloy pa rin sa pag-iyak.

Matatandaang nagkaroon na ng ganitong isyu noon ang GMA 7 na walang medic o ambulansya sa set ng seryeng “Rosa Agimat” na kasama ang namayapang aktor na si Eddie Garcia. Ito rin ang dahilan kaya isinulong ang Eddie Garcia Law.

Prior to this ay naaksidente na rin pala si Christopher de Leon sa set noon na nabaril umano sa hita.

Bukas ang BANDERA sa panig ng GMA 7 tungkol sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending