Rio Locsin inalala ang pagiging Darna 43 years ago: Yung paglipad ko nasa ibabaw ng table, may electric fan...ganu'n ka-low-tech | Bandera

Rio Locsin inalala ang pagiging Darna 43 years ago: Yung paglipad ko nasa ibabaw ng table, may electric fan…ganu’n ka-low-tech

Ervin Santiago - August 16, 2022 - 03:24 PM

Rio Locsin at Jane de Leon

BINALIKAN ng veteran actress na si Rio Locsin ang pagganap niya bilang Darna sa pelikula 43 years na ngayon ang nakararaan.

Yes, sa mga hindi pa masyadong aware, isa si Rio sa mga Filipina actress na gumanap sa iconic Pinay superhero na si Darna.

Ipinalabas noong 1979 ang kanyang “Bira! Darna! Bira!” at sabi nga ni Rio, isa ito sa pinakamagandang role na nagawa niya at talagang hinding-hindi niya makakalimutan.

Sa grand launch ng “Mars Ravelo’s Darna” last August 8, naikuwento ni Rio kung paano napunta sa kanya ang Darna role at kung anu-ano ang mga karanasan niya sa shooting nila noon.

View this post on Instagram

A post shared by Ma. Theresa Rosario Nayve (@riolocsin.page)


“Nu’ng panahon kasi nu’ng Darna ko, 43 years, kinuwenta ko pa yun kanina, saka gusto ko lang i-acknowledge nandun ako sa publication ni Tito Mars Ravelo nu’ng in-offer sa akin yung role.

“Nandu’n siya, buhay pa siya. Ang pamilya niya, nakilala ko pa silang lahat. Napakalaki talagang pribelehiyo na nakasama ko siya kahit yung asawa niya, si Tita Leniza.

“Sa akin, ‘Parang panaginip ba ito?’ Nung bata ka at in-offer-an ka ng Darna… Ang image ko nun kasi, parang isa lang siya sa baguhan, medyo nagpapa-sexy, tapos binigyan ako ng ganun karangalan bilang isang Darna.

“Sobrang napakalaking tuwa sa puso ko na nagawa ko yun,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Yung Darna ko kasi nu’ng araw, hindi yung Valentina, hindi may mga superpowers. Sa akin kasi mga sindikato, mga head ng mga kumukuha ng mga babae, mga smuggling, mga ganu’n yung mga kalaban.

“Action, may mga stunts, mga action scenes. Kaya lang, lumang teknolohiya pa nu’n, hindi pa advanced.

“Yung paglipad ko, nasa ibabaw ng table, electric fan lang, nakaganun lang ako. Ganun lang ka-low-tech. Nakakatuwa na, ngayon, ibang-iba na ang technology, ibang-iba na ang pagkakagawa ng Darna.

“Kasi siyempre, ang layo naman ng diperensiya, nakaka-excite na panoorin.

“Itong bagong Darna, marami kayong makikita na siyempre sa pagdaan ng panahon, iba na yung panahon ngayon, iba na yung generation ngayon ng Darna,” pag-alala pa ni Rio.

Pahabol pa niya, “Maraming salamat din na nu’ng panahon na nag-Darna ako, yung character nung lola, si Tita Woody Diaz, ang Ding si Romnick Sarmenta.

“E, ngayon, wala na si Tita Woddy, ako na ngayon yung lola. Si Romnick, malaki na rin siya. Ngayon nandito pa rin naman kami sa industriya, nagtatrabaho pa rin,” sabi pa niya.

Ito naman ang payo niya kay Jane de Leon, bilang bagong Darna, “Natutuwa ako para kay Jane, lagi kong sinasabi ito kay Jane, napakalaking karangalan, napakalaking pribilehiyo, mahirap, pero di lahat tinatawag na Darna. Di lahat nabibigyan ng pagkakataon.

“Nandito naman kami, hindi ka naman namin pababayaan. Lahat ng suporta ibibigay namin sa iyo.

“Sabi ko sa kanya, ‘Talagang i-imbibe mo, dalhin mo sa puso mo, kasi hindi mo alam kung hanggang mawawala ang bato sa iyo.

“‘Panindigan mo, buhayin mo sa sarili mo kasi sayang, sayang yung pagkakataon na binigay sa kanya,” pahayag ni Rio.
https://bandera.inquirer.net/315103/jane-de-leon-handang-handa-nang-makipagbakbakan-kay-janella-salvador-sa-darna-magtutuos-na-kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/321157/jane-de-leon-umamin-sa-totoo-lang-po-hindi-ko-rin-alam-kung-bakit-ako-ang-napiling-darna
https://bandera.inquirer.net/316547/sharon-cuneta-tinanggihang-bumida-sa-darna-noong-20-years-old-siya-bakit-kaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending