Kim shookt nang mapansin ni Yuna ng K-pop group na ITZY: Like OMG! I cannot breathe!
MUNTIK nang mahimatay sa kilig ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu matapos siyang mapansin ni Yuna ng Kpop girl group ITZY.
Gumawa kasi ng “Swipe” dance cover sa TikTok noong October 2021 ang Kapamilyq star na isa sa mga kanta ng ITZY at matapos nga ang limang buwan ay isang myembro ng girl group ang nakapansin nito.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kim ang video mula sa official TitTok account ng ITZY kung saan makikita si Yuna na nag-eenjoy sa kanilang duet ng aktres.
“LIKE OMG!!!!!! I didn’t belive at first then I checked ITZY official TikTok account… Like OMG!!!! I cannot breathe??? Nahimatay ako ng 5 seconds,” saad niya.
Hindi pa rin talaga makapaniwala si Kim dahil siguro ilang buwan na rin ang lumipas buhat nang gawin niya ang dance cover.
“YUNA saw my dance!!?? Can someone pinch me now na? Medyo OA pero legit nga!!! #TikTokDuet sirg ITZY Yuna realness!!!!! #midzy here thank you!!! Made my night!” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Dati pa man ay nagpapakita na ng suporta at talaga namang open na open si Kim sa kanyang pagmamahal sa ITZY.
Noong September 2020 nga ay nag-upload rin siya ng kanyang dance cover ng “Not Shy” sa kanyang YouTube channel.
Ilan sa mga nag-comment sa IG post ni Kim ay sina Isabel Oli at ang “It’s Showtime” co-host na si Vhong Navarro.
“Wow!!!” sey ni Isabel habang clapping and fire emoji naman ang comment ni Vhong.
Ang ITZY ay isang Korean girl group na binubuo nina Yeji, Lia, Ryujin, Chaeryeong, at Yuna under JYP Entertainmen. Nakilala ang grupo sa kanilang hit songs na “Dalla Dalla”, “Wannabe”, “Mafia in the Morning”, “Not Shy”, at “Loco”.
Congratulations Mamshie Kim sa iyong successful fan girling!
Related Chika:
Dingdong, Marian pinakilig ang madlang pipol sa kanilang live dance number
Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.