Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers | Bandera

Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers

Therese Arceo |January 25,2022
facebook
share this

Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers

Therese Arceo - January 25, 2022 - 02:12 PM

Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers

TRENDING na naman ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu matapos maungkat muli ang kanyang naging statement ukol sa mga pusa noong December 6, 2021 sa “It’s Showtime”.

Ayon kasi sa aktres, nakakainis daw ang mga maiingay na pusa sa gabi at parang gusto niyang sabuyan ng mainit na tubog ang mga ito para tumahimik.

Agad namang humingi ng tawad si Kim sa kanyang naging pahayag noon sa show pero mukhang hindi pa rin nakakalimot ang mga netizens.

“Ambot nimo Kim Chiu. Sana mag isip ka muna bago ka mag bitaw ng mga salita. Pasmado msyado ang bibig mo eh!” saad ng isang netizen.

Sagot naman ng aktres, “Ate, tama na po. This is one of the reasons kaya ako di nakapigil. Yung mgq taong ganito mag salita, minsan mas worst pa nababasa ko.

I already explained my part, kahit na di naman kailangan sabi ng team ko. But I just have to….”

Nais na sanang manahimik ni Kim sa isyu dahil matagal na itong nangyari at agad rin naman siyang humingi ng sorry.

“I really want to remain quiet on this, because this was a month or [two] months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, [because] I know that I will never do it and cleared that [it’s] not really [gano’n],” saad ng dalaga.

Giit pa niya, edited na ang mga kumakalat na video at hindi na isinama ang part kung saan binawi niya ang kanyang sinabi af humingi siya ng tawad sa mga na-offend sa tinuran niya.

“But as usual some [Marites] will really choose to see the bad on that situation,” she added. “[Gan’on] naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang… Super mean, yung diin na diin… kahit wala ka naman ginawa pa,” sey ni Kim.

Muli naman siyang humingi ng tawad sa mga animal lovers, at nilinaw na hindi naman ganon ang ibig niyang sabihin at wala rin siyang balak na saktan ang mga pusa kahit pa aminado ang aktres na takot siya sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions. Parang wala sa panahon [ngayon] ang gagawa ng [gano’n],” she stated. “Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan.”

Related Chika:
Kim Chiu: Hindi ako nagjojowa ng pangit!
Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang ‘side effect’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending