Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang 'side effect' Bandera

Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang ‘side effect’

Alex Brosas |June 17,2021
share this

Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang ‘side effect’

Alex Brosas June 17,2021 - 05:27 PM

HAPPY si Kim Chiu na fully vaccinated na siya.

Sobrang takot ng “It’s Showtime” host kaya naman siniguro niyang mababakunahan siya ng dalawang beses para makaiwas sa COVID-19.  

“Finally. I have prayed for this day to come! Seeing the covid19 videos last year scared me, so many ‘what ifs’ on my mind. 

“I made myself physically active by doing different workouts to help my lungs get stronger mas matindi pa workout ko now than my marathon training before,” say ni Kim sa kanyang Instagram page. 

“But today, I am happy that I am #FullyVaccinated protection from major illness and to protect my friends, family, loved ones, and the people around me. 

“Let’s all get vaccinated to reach herd immunity,” dagdag pa niya. 

May side effect daw ang bakuna kay Kim — naging matakaw siya.

“The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6 meals instead of 2 meals a day, then that’s it,” say niya.

Madali namang mabawi ni Kim ang extra food intake niya. Halos araw-araw kasi siyang nag-e-exercise kaya ang feeling namin ay matutunaw din kaagad ang kinain ng “It’s Showtime” host.

* * *

Mapipilitang magsama sa isang school project ang mortal na magkaaway na sina Deib (Donny Pangilinan) at Maxpein (Belle Mariano) matapos silang masaksihan ng principal na nag-aaway sa school grounds, sa patuloy na inaabangan at top trending na serye handog ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at Star Cinema na “He’s Into Her.” 

Tutol ang dalawa sa desisyon ng principal pero suspension ang haharapin nila kapag hindi sundin ito. Kailangan nilang mag-isip at gumawa ng isang anti-bullying campaign. 

Bago ito nangyari, magkakaayos na sana ang dalawa dahil nakonsiyensya si Deib sa prank ng mga kaibigan kay Maxpein at handa na nitong bayaran ang P10,000 na kinaltas sa sahod ng pinapasukang restaurant sa dalaga. 

Pero nainsulto si Deib sa mga binitawang salita ni Maxpein na kahit kamo ina nito ay hindi siya mamahalin sa sama ng kanyang ugali.  

Samantala, patuloy na dinadala ni Deib ang malaking pasanin sa buhay. Ang kanyang pinakamamahal na kapatid ay nakaratay sa ospital nang walang malay. Dumagdag pa rito ang pressure na nararanasan sa eskwelahan.  

Patuloy rin ang pag-aalala nito sa darating na basketball championship series, na inaasahan ng buong Benison ay ipapanalo niya. Nang hamunin ng team captain ng rival school nito na si Randell (Jeremiah Lisbo), natalo sila at bigla itong kumalat sa social media. 

Mapagtanto rin kaya ni Maxpein na may problema ring hinaharap si Deib? Matapos kaya nila ang school project nang hindi nag-aaway?  

Panoorin ang susunod na episode ng “He’s Into Her” sa iWantTFC sa Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC, at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment sa Linggo. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending