Kim Chiu: Hindi ako nagjojowa ng pangit! | Bandera

Kim Chiu: Hindi ako nagjojowa ng pangit!

Alex Brosas |June 04,2021
facebook
share this

Kim Chiu: Hindi ako nagjojowa ng pangit!

Alex Brosas - June 04, 2021 - 09:54 AM

SA kanyang latest YouTube vlog ay kumasa si Kim Chiu ang “Truth or Drink Challenge.”

Sa unang sigwada pa lang ng kanyang challenge ay lost na si Kim sa tanong kung ano ang worst thing she’s done at work.

“I don’t think I do worst things,” say ng It’s Showtime host. Dahil diyan, pinapili na lang siya ng drink. Pinili niya ang number 8 na suka pala.

“Alam mo, ang pangalan ko kasi Kimberly Sue. Tapos ‘yung mga kaklase ko binu-bully nila ako na ang apelyido ko raw ay Uy at hindi Sue.  Sue Uy. 

“Sa Waray-Waray kasi ang Sue Uy ay suka. Hinahabol ako ng childhood memory ko,” natatawang sey ni Kim.

Siyempre pa, natanong si Kim about her love life. “Nagpautang ka na ba sa boyfriend or naging boyfriend mo?”

“No, wala pa. Pasalamat na lang sa Diyos at ang mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila,” say ni Kim.

Natanong din siya if she is willing to make friends with her last ex-boyfriend.

“Friends naman kami, friends kami, ayaw niya lang akong maging friend,” tumatawang sabi ni Kim.
When asked kung nagka-boyfriend na siya ng pangit, say ng “It’s Showtime” host, “Pangit, hindi ako nagjojowa ng pangit.”

Sa tanong kung sinu-sino ang ayaw niyang naka-work, nag-play safe si Kim by saying, “Konti lang naman sila”. With that, pinainom siya ng alak.

Natanong din si Kim kung naloko na ba siya ng isang tao, “Yes! Truth! Truth!” sagot ni Kim.

* * *

Pagkatapos pagtagpuin ni Bro ang kanilang mga landas, mapapalapit na sina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) sa katotohanang magbabago sa kanilang buhay sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Malaki ang posibilidad na magkapatid sina Mira at Joy matapos matuklasan nina Deborah (Eula Valdes) at Agatha (Mercedes Cabral) na nagmamay-ari si Mira ng isang krus na kapareho ng kay Fatima (Dimples Romana), ang ina ni Joy na pinatay nila.

Patuloy namang magiging sakim sina Agatha at Deborah dahil itatago nila ang nalalaman nila tungkol sa pagkakaugnay nina Mira at Joy. Sa kabila nito, mabubuhayan naman ng loob si Joy dahil sa bagong impormasyong natuklasan niya mula sa kanyang lola: na maaaring may mas nakatatandang kapatid pa si Joy.

Makuha na kaya nina Mira at Joy ang mga kasagutan tungkol sa kanilang nakaraan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending