Kim lucky charm ng ‘Fourtastic Combo’ sa pagkapanalo sa Magpasikat 2024
“LUCKY charm” kung ituring nina Ogie Alcasid, Lassy Marquez at MC Muah si Kim Chiu matapos silang magwagi sa “Magpasikat 2024” ng “It’s Showtime.”
Iyan ang ibinandera ng grupo nina Ogie na tinawag na “Fourtastic Combo” na siyang nag-champion sa finale ng 2024 edition ng “Magpasikat.”
Ito’y dahil sa kanilang makabuluhan at buwis-buhay na performance kung saan ibinahagi nila ang pinakamahalagang message sa madlang pipol – ang maging matatag sa lahat ng pagsubok at matuto ring magpahinga sa gitna ng napakaraming ganap sa buhay.
“Si Kim at si Pau ang swerte sa amin,” ang sabi ni Ogie after ng kanilang winning moment.
Baka Bet Mo: Bakit natrauma si MC Muah sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan?
“Nasama kami sa mga mahuhusay,” sey naman ni Lassy.
Pero naniniwala si Kim na team effort sila sa nakakaloka nilang production number na talaga namang kinabiliban ng mga manonood mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“Nakakatakot stunts pero sobrang nakakatawa ng team na to kaya nakakawala ng pagod.
“Tamang timpla kami. Kaya itong moment na to sobrang sarap sa pakiramdam,” pahayag pa ni Kim na kasama rin sa nanalong team last year.
View this post on Instagram
Ayon pa sa TV host-actress, hindi raw talaga nila in-expect na sila ang mananalo dahil lahat ng team ay magagalinf at nag-effort nang bonggang-bongga.
“Hashtag acceptance na kami eh,” sey ni Kim. “Basta nagawa namin ng maayos ang production namin.”
Sabi naman ni Ogie, “Nabasa ko sa comments na naintindihan nila gusto namin sabihin more than anything else. Nakuha nila,” ani Ogie.
Sinang-ayunan din ito ni Lassy, “Damang-dama nila.”
Nagpasalamat din ang grupo sa mga huradong sina Gabbi Garcia, Donny Pangilinan, Alice Dixon, Direk Rory Quintos, at former ABS-CBN president Freddie “FMG” Garcia.
Inamin ni FMG na nahirapan silang mag-judge, “Bukod sa napagaling nila, the story telling kanila pinaka clear at talagang tumusok sa puso namin.”
Ido-donate nina Kim ang napanalunang P300,000 sa Angat Buhay Foundation na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.