Anak ni Ogie Alcasid na si Leila ‘engaged’ na sa BF na si Curtismith

Anak ni Ogie Alcasid na si Leila ‘engaged’ na sa BF na si Curtismith

Pauline del Rosario - September 30, 2024 - 10:39 AM

Anak ni Ogie Alcasid na si Leila ‘engaged’ na sa BF na si Curtismith

PHOTO: Instagram/@leilalcasid

LEVEL up ang relasyon ng anak ni Ogie Alcasid na si Leila at ang kanyang longtime boyfriend na indie singer-rapper na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtis Smith.

Engaged na kasi ang couple at ‘yan ay masayang ibinandera mismo ni Leila kasabay ng kanilang anniversary.

Sa Instagram, makikita ang ilang sweet photos ng dalawa, pati na rin ang pag-flex ni Leila sa suot niyang malaking pear-shaped diamond ring.

“The most special anniversary gift,” caption ng anak ni Ogie sa post.

Baka Bet Mo: Leila Alcasid nakipaglaban din sa isang uri ng eating disorder: I love my body…and I’m proud of myself

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leila (@leilalcasid)

Sa comment section, agaw-pansin ang naging reaksyon ng kanyang ama at inaming very happy siya para sa newly engaged couple.

“The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you [red heart emojis] congratulations,” lahad niya.

Bukod sa kanya, nagpaabot din ng “congratulatory” messages ang ilang celebrities at artists.

Kabilang na riyan sina Nadine Lustre, Gabbi Garcia, Keiko Necesario, Iza Calzado, Ria Atayde, at Darren Espanto.

Kung matatandaan, taong 2019 nang kinumpirma ni Leila na “dating” sila ni Curtismith, ngunit nanatiling pribado ang kanilang relasyon.

Medyo matagal na rin silang magka-live in na kung saan nauna nang inamin ni Ogie na sumama ang kanyang loob sa anak nang ginawa ito.

“Nagtampo ako. Kasi itong buong panahon na naghintay ako, kasi hindi naman natin maipagkakaila na hindi siya lumaki sa akin,” sey ng batikang singer sa isang panayam.

Chika pa niya, “So noong time na biglang nag-isip siya na tumira na rito sa Pilipinas, sabi ko ‘Ito ‘yung pagkakataon magiging close kami, magiging magkasama kami.’

“Hanggang sa panahon na mag-aasawa na siya. ‘Yun nga lang, meron pala silang ibang plano,” pagbabahagi pa niya.

Gayunpaman, nanaig pa rin ang pagmamahal ni Ogie kay Leila at sinabing nirespeto na lamang niya ang desisyon nito.

Si Leila, pati na rin ang kapatid nito na si Sarah ay anak ni Ogie sa Australian beauty queen-actress na si Michelle van Eimeren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2007 nang maghiwalay sina Ogie at Michelle.

Noong 2010 naman ng ikinasal si Ogie kay Asia’s Songbird Regine Velasquez at mayroon silang isang anak na si Nate.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending