Kim Chiu nominado sa Asian TV Awards 2024: ‘Hala! Is this for real?’
HINDI makapaniwala ang TV host-actress na si Kim Chiu sa latest milestone ng kanyang showbiz career.
Isa kasi siya sa mga nominee ng “Best Actress in a Leading Role” sa prestihyosong Asian Television Awards 2024.
Ito ay dahil sa mahusay niyang pagganap sa Philippine adaptation na “What’s Wrong with Secretary Kim?”
Ang mga makakalaban niya sa nasabing award ay ang Asian actresses na sina Robyn Malcolm ng Australia, Selena Lee at Charmaine Sheh mula Hong Kong, pati na rina sina Zhou Xun, Wu Jin-Yan, Ma Sichun, at Xu Fan from China.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), inihayag ni Kim ang kanyang pagkagulat at inaming hindi siya makapaniwala sa magandang balita na natanggap niya.
Baka Bet Mo: Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim: Let’s give it a rest
“OMG!! Is this for real? Hala. Nakakaiyak naman, ‘to,” caption niya sa shinare na post na ipinapakita ang pagiging nominado niya.
Hala!!!! Nakaka iyak naman to!!!🥹🥲❤️ https://t.co/MptDX9tSZH
— kim chiu (@prinsesachinita) October 15, 2024
Bukod sa aktres, na-nominate din sa kategoryang “Best Theme Song” ang official soundtrack ng nabanggit na adaptation series.
Ang “What’s Wrong with Secretary Kim?” ay umiikot sa istorya ni Secretary Kim na na-inlove sa kanyang narcissistic boss.
Noong nakaraang buwan lamang nang pinarangalan si Kim ng “Outstanding Asian Star” sa 2024 Seoul International Drama Awards.
Samantala, nominado rin sa kategoryang “Best Original Digital Series” ang Asian series na “Secret Ingredient” na pinagbibidahan nina Julia Barretto, kasama ang Korean actor na si Sang Heon Lee at Indonesian actor na si Nicholas Saputra.
Ang 29th edition ng Asian Television Awards ay mangyayari sa Jakarta, Indonesia sa darating na November 29 to 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.