Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim: Let's give it a rest

Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim: Let’s give it a rest

Therese Arceo - June 08, 2024 - 12:58 PM

Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim: Let's give it a rest

BINASAG na ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang kanyang katahimikan ukol sa mga pahayag ng kanyang dating dyowa na si Xian Lim hinggil sa kanilang paghihiwalay.

Sa ekskusibong panayam ng aktres sa ABS-CBN News, nausisa ang dalaga ukol sa mga naglalabasang statement at interviews ni Xian patungkol sa kanilang break up.

Matatandaang sa mga nagdaang linggo ay nagiging madalas ang mga pahayag ni Xian hinggil sa kanilang break up ni Kim buhat nang aminin niyang may namamagitan sa kanila ng film producer na si Iris Lee.

Baka Bet Mo: Xian Lim bukas sa muling pakikipagtrabaho kay Kim Chiu: Why not?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa kabila nito ay nanatili namang tahimik so Kim sa mga pahayag ni Xian sa kabila ng mga pangungulit sa kanya ng press.

“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” saad ng dalaga.

Sa kabila ng pangako ni Kim sa sarili na hindi na siya magsasalita buhat nang maglabasxng pahayag noong December 2023 ay marami pa ring nangungulit sa kanya at finally nga ay nagpaunlak na ito sa ABS-CBN News.

“Parang ‘yung post ko nung December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito.

“Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” sey pa ni Kim.

Aniya, mutual ang naging desisyon nilang tapusin ang relasyon.

“It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship,” chika pa ni Kim.

Hiling naman ng Kapamilya actress na sana ay huminto na si Xian sa pagbibigay komento ukol sa kanilang nagtapos na pagsasama.

“It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama ‘yung loob ko,” sey pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tila maiiyak na nga ang aktres habang magsasalita.

Dahdag pa ni Kim, “Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other.”

Tumagal rin ng 12 years ang relasyon ng dalawa bago ito nagdesisyong maghiwalay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending