Worship leader hinalay ang estudyante sa Christian school

Worship leader hinalay menor de edad na estudyante sa Christian school

Ervin Santiago - March 06, 2025 - 12:15 AM
Worship leader hinalay menor de edad na estudyante sa Christian school

Trigger warning: Mention of rape

TIMBOG ang worship leader na halos limang buwang nagtago matapos ireklamo ng panggagahasa ng estudyante sa isang eskwelahan sa Makati City.

Arestado ang 36-anyos na suspek sa isang café sa isang lugar sa Chino Roces Avenue, Barangay Pio del Pilar sa Makati City na siyang itinuturong nang-rape sa menor de edad na estudyante sa isang Christian school.

Ayon sa imbestigasyon, hinalay ng suspek ang biktima sa mismong paaralan kung saan dating nagtuturo ang kanyang misis. Dalawang beses umanong nangyari ang panggagahasa – una noong June 30, 2024 at ikalawa noong August 11, 2024.

Base sa ulat ng pulisya, nagtago ang suspek sa Bulacan noong October, 2024 kasama ang misis nito matapos siyang sampagan ng reklamo ng biktima.

“May simbahan po kasi din doon po sa paaralang yun dahil Christian School po ito, meron din simbahan na kung saan yung akusado natin ay isang worship leader,” ang pahayag ni PCapt. Jenibeth Artista, information officer ng Makati City Police Station, sa panayam ng ABS-CBN.

“Doon po, dahil nga po may chances na magkita at makausap po yung biktima, ayon po du’n sa ating suspect na nakaka-chat niya yung bata at the same time po isinikreto daw, di umano yung tungkol du’n sa ginawa po,” sabi ng opisyal.

Nagsampa ng reklamo ang nanay ng estudyante matapos magsumbong ang bata sa principal hanggang sa ipinatawag nga ito at ang kanyang asawang guro na tinanggal agad sa naturang paaralan.

“Yung atin pong top 6 na regional most wanted ay isa pang messenger ng government office. Limang taong kasal na…ang kanyang asawa po ay isang guro doon sa isang Christian school kung saan doon po din nangyari yung panggagahasa po,” sabi ni Artista.

February 18, 2025 nang lumabas ang warrant of arrest laban sa suspek.
“Nakipag-ugnayan tayo sa complainant para magawa natin ng paraan na mapapunta sila dito sa Makati po,” ayon kay Artista.

“Ayon po sa ating biktima, doon pa lang po sa patawag sa paaralan, ay umamin na po itong ating akusado,” aniya pa.

Depensa ng akusado, mag-kachat sila ng biktima at pumayag naman ito. Nagawang manipulahin ng akusado ang biktima na tatay-tatayan ang turing sa kanya,” sabi ng PNP official.

“Pero alam din naman natin na sa sa batas natin, walang kakayanang magbigay ng consent o pahintulot ang isang menor de edad.

“So sa batas natin po na statutory rape whether pumayag man o hindi ay kasong panggagahasa padin ito dahil nga po sa batas natin pinoprotektahan po ang mga minor de edad,” esplika ni Artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility Unit ng Makati City Police Station at nahaharap sa two counts of statutory rape na walang inirererkomendang piyansa, four counts of sexual assault na may piyansang P720,000, at four counts ng acts of lasciviousness na may piyansang P180,000 bawat isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending