Worship leaders mula sa iba’t-ibang lugar gumawa ng album: ‘It’s a declaration of faith, worship and love’
NAGKAISA ang worship leaders mula sa iba’t-ibang lugar ng ating bansa upang makabuo ng isang album tungkol sa paniniwala, pagsamba at pagmamahal sa Diyos.
Ito ang compilation album na may titulong “Sambahan.”
Inilabas ‘yan ng WATERWALK RECORDS, isang music label na naka-focus sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng panibagong streaming platforms.
“SAMBAHAN is a compilation of original Tagalog worship songs written and composed via the KONEKOLAB Worship fellowship of Church-based songwriters, and interpreted by worship leaders,” sey ng main producer ng music label na si Jungee Marcelo.
Ayon pa kay Jungee, maituturing isang biyaya ang album dahil ginawa lang ito mismo upang sambahin ang Diyos.
Baka Bet Mo: Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…
Ang bagong album ay may 11 songs na kung saan ay hindi bababa sa 40 na songwriters ang nagsulat ng mga kanta.
“The late evenings and early mornings of December were invested in daily online songwriting collab-turned-mentoring sessions, a team at a time, rotating in shifts,” Kwerto ni Jungee.
Ani pa niya, “By the end of December, the songs were finally completed — praise God for His wisdom and enabling.”
Narito ang kumpletong listahan ng tracklist ng “Sambahan” album:
- “MANLILIKHARI” by Gianne Hinolan
- “O AMING DAKILA” by James Reyes
- “KARANGALAN NAMIN” by Poleane Carmen & Keyl Mizpah
- “MAMAMALAGI” by VENTT
- “YAHWEH TANGGULAN” by Dana Algabre
- “SUMASALANGIT” by Judah Vibar
- “SAMO” by Nicole & Carlo
- “SA ‘YONG SAMYO” by Sheena Lee
- “UNANG NAGMAHAL” by Louie Anne Culala
- “PAGDULOG” by Cherise Katriel
- “SAMBAHAN” by Lee Simon Brown
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.