Ben&Ben may handog na maagang Pamasko sa fans

Ben&Ben may maagang Pamasko sa fans, pinagsama ang animation at kanta

Pauline del Rosario - November 29, 2024 - 12:40 PM

Ben&Ben may maagang Pamasko sa fans, pinagsama ang animation at kanta

PHOTO: Courtesy of Sony Music Entertainment

ILANG linggo nalang, ipagdidiwang na natin ang Pasko!

Kaya naman, naghandog ng maagang pamasko ang sikat na nine-piece band na Ben&Ben para sa kanilang mga tagahanga.

Inilabas nila ang bagong album na sumasalamin sa self-discovery at personal growth –ito ang “The Traveller Across Dimensions” via Sony Music Entertainment.

Very unique at talagang bago ang konsepto nila sa album dahil pinagsama nila ang musika at animated visuals na nagbibigay ng kakaibang immersive experience sa mga tagapakinig.

Noong Huwebes, November 28, nagkaroon ng Listening Party ang banda sa Opus Mall VIP Cinema sa Quezon City.

Baka Bet Mo: Ben&Ben may bagong gimik para sa fans: ‘Pupunta kami ngayon sa mga bahay niyo!’

At kabilang ang BANDERA sa mga naimbitahan nila kasama ang piling entertainment press at ilang Liwanag fans na talagang na-feel ang kakaibang storytelling sa pamamagitan ng album.

During the special event, ipinaliwanag ng banda ang main character na si “Liwanag” na naglalakbay sa mahiwagang mundo upang matagpuan ang kanyang inner peace.

Ang “symbolic realms” na pinagdaanan nito ay ang Light, Energy, at Feels.

Maliban kay Liwanag, ipinakilala rin sa album ang ilan pang karakter na sina Gabay, Puhon, at Mahiwaga.

“Her story reflects our own journeys through innocence, struggle, and maturity,” kwento ng banda.

Patuloy nila, “In the process, Liwanag learns that the pain of loss is an essential part of the peace she seeks.”

Nabanggit ng Ben&Ben na matagal na silang mahilig sa visual storytelling, tulad ng animated films at graphic novels kaya naisip nila ang kakaibang konsepto.

“Animation has a unique ability to communicate complex emotions and lessons in an accessible way,” sambit nila.

Anila, “We wanted to explore this medium to push our creative boundaries in the artistic and narrative Mold.”

Para mabigyang-buhay ang kwento ni Liwanag at ang animated world ng “The Traveller Across Dimensions,” nakipagtulungan ang Ben&Ben sa Puppeteer Studios.

“Puppeteer Studios has been an amazing partner,” paglalarawan nila.

Pagbabahagi nila, “From the start, they respected both the sonic direction of the album and our vision for the animated world of The Traveller Across Dimensions. Seeing our sketches evolve into full animation was a powerful experience—one that accurately reflected the story we wanted to tell.”

At sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas, magkakaroon ng “animation-concert” hybrid ang Ben&Ben.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mangyayari na ‘yan sa sa December 14 sa SM Mall of Asia Arena na kung saan pagsasama-samahin ng banda ang animation, film at live music performance.

Sa mga excited nang manood ng upcoming concert, mabibili ang tickets sa SM Tickets sa halagang P1,700 hanggang P7,700.

Samantala, ang bagong album ng banda ay mapapakinggan na sa lahat ng digital streaming platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending