Lisa ng Blackpink may pasabog, ibinandera na ang 1st full-length album

PHOTO: Instagram/@lalalalisa_m
NANDITO na ang matagal nang inaabangan mula sa global superstar na si Blackpink Lisa!
Inilabas na kasi niya ang kauna-unahang solo full-length album na “Alter Ego” sa ilalim ng LLOUD Co./RCA Records.
Kasama sa 15-track album ang kanyang bagong single na “Born Again” na may bonggang collaboration kasama sina Doja Cat at RAYE.
Ang kantang ito ay hindi lang basta lumapag sa Billboard Hot 100, kundi naging #1 pa sa Top 40 radio sa US.
Aba, hindi lang ‘yan! Ang official music video nito na idinirek ni Bardia Zeinali ay agad na pumatok sa YouTube at nanguna sa Daily Top Music Videos worldwide, habang pang-lima naman sa US.
Baka Bet Mo: Lisa ng Blackpink naglunsad ng sariling artist management company
Sa sobrang lakas ng impact ng single, napa-wow pati ang Harper’s Bazaar: “We’re only a few weeks into 2025, but suffice to say we’ve already found the girl power anthem that we’ll be playing all year long.”
Bukod kay Doja Cat at RAYE, naka-collab din ni Lisa sa album ang sikat na international musicians na sina Tyla, Megan Thee Stallion, at Future!
Syempre, kasama rin sa tracklist ang dating mga hit singles niya gaya ng “New Woman feat. Rosalía,” “Moonlit Floor,” at “Rockstar.”
Kung matatandaan nang dahil sa “Rockstar,” muling nakapag-uwi si LISA ng MTV VMA award para sa Best K-Pop, kaya naman pasok siya sa kasaysayan bilang kauna-unahang solo act na multiple times nanalo sa kategoryang ito.
Sa “Alter Ego,” ipinakilala ni LISA ang limang characters na kumakatawan sa iba’t ibang aspeto ng kanyang pagkatao.
May Roxi (“Rockstar”), Sunni (“Moonlit Floor (Kiss Me)”), Kiki (“New Woman feat. Rosalía”), Vixi (“FXCK UP THE WORLD”), at Speedi (“Lifestyle”).
Unang nireveal ni LISA ang mga karakter na ito noong Nobyembre.
Narito ang kumpletong listahan ng tracklist ng bagong album:
- Born Again ft. Doja Cat & RAYE
- Rockstar
- Elastigirl
- Thunder
- New Woman feat. ROSALÍA
- FXCK UP THE WORLD ft. Future
- Rapunzel ft. Megan Thee Stallion
- Moonlit Floor (Kiss Me)
- When I’m With You ft. Tyla
- BADGRRRL
- Lifestyle
- Chill
- Dream
- FXCK UP THE WORLD (Vixi solo version)
- Rapunzel (Kiki solo version)
At hindi pa diyan nagtatapos ang pasabog! Kasabay ng album release, si LISA ay magpapakitang-gilas sa Oscars ngayong Linggo, March 2.
Magpe-perform siya kasama sina Doja Cat at RAYE sa isang espesyal na segment ng 97th Annual Academy Awards.
Bukod dito, gumawa rin siya ng acting debut sa “The White Lotus” Season 3 sa HBO at lumabas pa sa sikat na video series na “Hot Ones!”
At kung akala niyo tapos na siya sa surprises—hindi pa! Balik Coachella siya sa Abril, pero this time, as a solo artist!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.