Blackpink Lisa naglabas ng bagong single na ‘New Woman’

Blackpink Lisa naglabas ng bagong single na ‘New Woman’, trending na

Pauline del Rosario - August 16, 2024 - 01:04 PM

Blackpink Lisa naglabas ng bagong single na ‘New Woman’, trending na

PHOTO: Courtesy LLOUD Co./RCA Records

MAKALIPAS ang dalawang buwan, nag-release ulit ng bagong single si Lisa, ang isa sa miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink.

Pinamagatan itong “New Woman” na mapapakinggan na via LLOUD Co. at RCA Records.

Tampok diyan ang Grammy-winning singer-songwriter na si Rosalía!

As of this writing, apat na oras pa lang mula nang inilabas ang kanta at nag-top trending na agad sa X (dating Twitter) ang hashtag na “LISAxROSALIA.”

Baka Bet Mo: Blackpink Lisa kabog sa comeback na ‘Rockstar’, top trending sa YouTube

Blackpink Lisa naglabas ng bagong single na ‘New Woman’, trending na

PHOTO: Screengrab from X

Kasabay niyan ay mapapanood na rin ang music video ng bagong collaboration song na nag-trending na rin kahit sa YouTube!

Sa ngayon, ito ay pang-walo sa “trending for music” at umaani na ng halos 4 million views sa video-sharing platform.

Bida sa video ang dalawang sikat na performer at ang kanilang tema ay inspired sa Y2K na tampok ang kanilang kakaibang style at high fashion.

Sinundan ng kantang “New Woman” ang latest hit single ni Lisa na “Rockstar” na humakot na ng nominasyon para sa MTV Video Music Award, kabilang na riyan ang Best K-Pop, Best Editing, Best Choreography, at Best Art Direction.

Kaabang-abang din ang Korean star sa magiging performance niya sa Global Citizen Festival na gaganapin sa New York City sa darating na September 28.

Siya ang magsisilbing co-headliner sa taong ito at ito rin ang kauna-unahan niyang festival performance bilang solo artist.

Ang mga makakasama niya sa nasabing event ay ang international stars na sina Post Malone, Doja Cat, Jelly Roll at Rauw Alejandro, pati na rin ang Global Citizen Ambassador na si Hugh Jackman bilang host. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga hindi aware, ang “Global Citizen” ay isang international advocacy organization na ang misyon ay tapusin ang matinding kahirapan.

Libre lang ang tickets sa nasabing music festival at pwede kang makakuha nito sa pamamagitan ng Global Citizen app o kaya sa kanilang website na globalcitizenfestival.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending