Blackpink Lisa may bonggang comeback na ‘Rockstar’

Blackpink Lisa may bonggang comeback, iri-release na ang ‘Rockstar’

Pauline del Rosario - June 20, 2024 - 11:46 AM

Blackpink Lisa may bonggang comeback, iri-release na ang ‘Rockstar’

PHOTO: Instagram/@lalalalisa_m,

INAABANGAN na ng marami ang latest release ni Lisa, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink!

Ilalabas na kasi niya ang bagong single na “Rockstar” sa darating na June 27.

Ang kanta ay ang first-ever single niya sa ilalim ng bagong partnership sa pagitan ng kanyang management company na LLOUD Co at RCA Records.

Magugunitang this year lang nang itinatag ni Lisa ang sarili niyang label company bilang paraan upang lumikha ng “new boundaries” pagdating sa musika at entertainment.

Ang new track ng K-Pop idol ay proud ding ibinandera ng kanyang kumpanya sa social media.

Makikita sa post ang title ng kanta na tila may pa-teaser pa sa kung ano ang aabangan ng fans dahil may maririnig na tono umano ng bagong single.

Baka Bet Mo: Pia kilig na kilig nang ma-meet si Blackpink Lisa, iba pang K-Pop stars

Bago pa bumandera ang latest music project ni Lisa, matatandaang nagbigay na ng ilang hint ang international singer-dancer patungkol sa new song niya.

Katulad na lamang sa isang TikTok post niya na makikita ang linyang, “Baby, I’m a rockstar.”

Si Lisa ay nag-debut bilang main dancer at lead rapper ng nasabing Korean pop female quartet noong 2016.

Taong 2021 naman nang magsimula siya sa kanyang solo career at inilabas ang debut album niyang “Lalisa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, naunang maglunsad ng sariling label company ang fellow member niya na si Jennie.

Ito ang “Odd Atelier” na nagsimula na noong Disyembre ng nakaraang taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending