Blackpink Lisa kabog sa comeback na ‘Rockstar’, #1 sa YouTube

Blackpink Lisa kabog sa comeback na ‘Rockstar’, top trending sa YouTube

Pauline del Rosario - June 28, 2024 - 04:05 PM

Blackpink Lisa kabog sa comeback na ‘Rockstar’, top trending sa YouTube

PHOTO: Screengrab courtesy of YouTube/LLOUD Official

PASABOG ang bagong comeback solo ni Lisa, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink!

Dahil finally, mapapakinggan na ang “Rockstar,” ang first-ever single niya sa ilalim ng bagong partnership sa pagitan ng kanyang management company na LLOUD Co at RCA Records.

Magugunitang this year lang nang itinatag ni Lisa ang sarili niyang label company bilang paraan upang lumikha ng “new boundaries” pagdating sa musika at entertainment.

Sa bagong song, ibinandera ng K-Pop idol ang astig niyang talento pagdating sa pagra-rap at pop vocals.

Ang single ay produced by Ryan Tedder at Sam Homaee.

Baka Bet Mo: Pia kilig na kilig nang ma-meet si Blackpink Lisa, iba pang K-Pop stars

Siyempre, hindi rin mawawala ang official video ng “Rockstar” na kinunan sa Bangkok.

“The video finds Lisa taking over the city with an ode to her Thai culture and authentic Thai street life as she embodies her true rockstar with showstopping choreography,” sey sa inilabas na press release.

Ang music video ay mula sa direksyon ni Henry Schofield and choreographed naman by Sean Bankhead.

Mukhang maraming fans all over the universe ang nag-abang sa bagong release na ito ni Lisa!

Dahil as of this writing, seven hours pa lang uploaded ang music video at umaani na ito ng mahigit 13.6 million views.

Bukod diyan, number one din ‘yan ngayon sa “Trending for Music” ng YouTube.

Magugunitang bago pa bumandera ang latest music project ni Lisa, nagbigay na ng ilang hint ang international singer-dancer patungkol sa new song niya.

Katulad na lamang sa isang TikTok post niya na makikita ang linyang, “Baby, I’m a rockstar.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Lisa ay nag-debut bilang main dancer at lead rapper ng nasabing Korean pop female quartet noong 2016.

Taong 2021 naman nang magsimula siya sa kanyang solo career at inilabas ang debut album niyang “Lalisa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending