Ben&Ben sa mga fans: ‘Salamat sa pagkapit kahit na may mga pagsubok…ang dami naming natututunan sa inyo’
KAHANGA-HANGA ang ibinibigay na pagpapahalaga at pagmamahal ng award-winning OPM band na Ben&Ben sa kanilang mga tagasuporta na tinatawag ngayong “Liwanag.”
Bilang bahagi ng pagse-celebrate nila sa ikatlong anibersaryo ng pagkilala sa kanilang mga fans bilang Liwanag, nag-post ang Ben&Ben ng makabagbag-damdaming mensahe sa social media.
Abot-langit ang pasasalamat nila sa mga ito dahil sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng kanilang mga kanta at concerts, pati na rin sa mga mahahalagang okasyon sa personal nilang mga buhay.
“Magmula ng mabuo ang Liwanag, napakarami na rin nating napagdaanang magkasama,” ang simula ng open letter ng grupo na binubuo nina Paolo and Miguel Benjamin, Patricia Lasaten, Agnes Reoma, Poch Barretto, Jam Villanueva, Toni Muñoz, Keifer Cabugao, at Andrew de Pano.
Pagpapatuloy na mensahe ng grupo, “Maliban sa mga di malilimutang mga shows at concerts, at maraming awiting kinantang magkasama, kahit papano, nasubaybayan din namin yung pagsulong ng mga buhay niyo, sa pamamagitan ng pagkwento niyo sa’min kung kamusta kayo, mapa-online man or pag nagkikita tayo sa mga shows.”
View this post on Instagram
“Gusto naming sabihing, proud kami sa kung papaano mo salubungin ang tamis at pait ng buhay!
“Nakakahangang makita kung pa’no ka magpakatatag, magpakatotoo, at higit sa lahat, kung pa’no ka magmahal at mag-alay ng sarili. Ang dami naming natututunan sa inyo.
Baka Bet Mo: Ben&Ben balak magtayo ng foundation para sa mga tinutulungang komunidad; Miguel nag-a-adjust pa rin sa married life
“Ramdam namin ang pagmamahal niyo, lagi’t lagi. Salamat sa pagkapit kahit na may mga pagsubok, sa’n man sa buhay galing yung mga yun,” ang dagdag pang pahayag ng Ben&Ben.
View this post on Instagram
Kasabay nito, nangako rin ang premyadong OPM band na sa patuloy na paggawa nila ng mga kanta ay palagi nilang iisipin na para ito sa lahat ng Liwanag.
“Saan man tayo dalhin ng buhay at ng mga pangarap natin, gusto naming sabihing, lagi’t laging magiging magkaugnay ang mga puso natin.
“Sa bawat liriko at nota ng mga kantang sinusulat at inaawit, kayo ang nasa puso’t isipan namin. We will always work our hardest and make you proud! Let’s reach new heights together.
“Pipiliin namin kayo, araw-araw. See you online, sa shows, or sa tapat niyo! Labyu, Liwanag,” mensahe pa ng Ben&Ben.
Ben&Ben may bagong gimik para sa fans: ‘Pupunta kami ngayon sa mga bahay niyo!’
Ben&Ben sa paghakot ng tropeo sa Awit Awards: Sulit lahat ng dugo’t pawis namin dito, Liwanag!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.