Ben&Ben may bagong gimik para sa fans: ‘Pupunta kami ngayon sa mga bahay niyo!’
EXCITING at nakakakilig naman ang bagong gimik ng folk-pop band na Ben&Ben para sa “Liwanag,” ang tawag sa kanilang fans.
Imagine, magkakaroon ng concert sa inyong mga bahay at mismong ang Ben&Ben ang magpe-perform!
Yes yes yes mga ka-bandera, handang dumayo ang banda para handugan ng exclusive concert ang kanilang fans.
Sa social media, ibinandera ng grupo ang kanilang first-ever concert sa tapat ng bahay ng isang Liwanag.
“Saan tayo pupunta? Pupunta tayo sa bahay ng isang Liwanag,” masayang sabi ng bokalista at gitarista ng banda na si Miguel Benjamin Guico habang nasa loob pa ng kotse.
So ang tanong, paano nga ba mapapunta ang Ben&Ben sa ating mga bahay?
Ayon sa bassist na si Agnes Reoma, “So ayun na nga, pupunta kami sa lahat ng mga nag-comment ng ‘What if sa bahay naman namin?’”
Baka Bet Mo: Ben&Ben balak magtayo ng foundation para sa mga tinutulungang komunidad; Miguel nag-a-adjust pa rin sa married life
“Papunta na kami ngayon sa mga bahay niyo,” aniya pa.
Paliwanag naman ni Miguel, “Ang tawag dito sa ginagawa namin ay #BENANDBENSATAPAT.”
“Nanggaling siya sa isang matagal-tagal nang joke online. Sa comment section kasi namin laging may nakalagay na ‘concert sa tapat ng bahay namin when?’, ‘concert sa tapat ng school namin when?’, at ngayon tinotoo namin siya,” kwento pa niya.
Mapapanood sa nasabing video na gulat na gulat ang fan na pinuntahan ng Ben&Ben at sa tapat mismo sila ng bahay nag-jamming.
Mapapakinggan sa video na ilan lamang sa mga kinanta ng banda ay ang hit songs nila.
View this post on Instagram
Ayon sa Ben&Ben, isa sa mga pangarap nila ay makantahan ang bawat isa sa mga Liwanag.
“Bukod sa pangarap namin makatugtog sa iba’t-ibang bansa, panagrap din naming matugtugan ang bawat isang Liwanag [heart hands emoji]. Liwanag nga pala tawag namin sa lahat ng listeners at fans namin [yellow, blue heart emojis],” lahad sa caption ng video.
Saad pa, “Gusto naming matugtugan ang bawat isa sa inyo, sa malaking stage man o maliit. Sa fiesta ng barangay, sa anniversary ng city, sa isang music festival o school fair, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, sa tapat ng bahay mo o tapat ng kapitbahay mo, maging sa universe hanggang sa susunod na habang buhay [heart hands emoji].”
“Gusto naming maabot ang bawat isang Liwanag na nakikinig samin [yellow, blue heart emojis],” ani ng grupo.
Dagdag pa, “Minsan kakantahin namin mga request niyo, minsan kahit hindi niyo ni-request [laughing emoji], mga matagal na naming hindi tinutugtog at mga kantang bago [heart hands emoji] thank you sa lahat ng nakikinig samin [holding back tears emoji].”
“Siguro ang tanong nalang namin ay #BENANDBENSATAPAT niyo when?” ani pa sa post.
Related Chika:
Ina Raymundo may pa-shoutout sa tapat na taxi driver: ‘Pinaganda mo ang pagpasok ng 2023 namin!’
Donny Pangilinan, Belo-Kho family, KimXi nag-Pasko sa ibang bansa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.