Donny Pangilinan, Belo-Kho family, KimXi nag-Pasko sa ibang bansa | Bandera

Donny Pangilinan, Belo-Kho family, KimXi nag-Pasko sa ibang bansa

Pauline del Rosario |December 26,2022
facebook
share this

Donny Pangilinan, Belo-Kho family, KimXi nag-Pasko sa ibang bansa

Pauline del Rosario - December 26, 2022 - 02:57 PM

Donny Pangilinan, Belo-Kho family, KimXi nag-Pasko sa ibang bansa

ANG isa sa pinakamasayang okasyon taon-taon ay ang araw ng Pasko.

Ito kasi ‘yung mga panahon na nagkakaroon ng reunion ang mga pamilyang Pilipino.

Karamihan nga sa mga artista, masayang ibinandera ang kanilang family picture na kung saan ay makikitang sama-sama talaga nilang sinalubong ang Kapaskuhan sa kanilang sariling tahanan.

Pero ang ilan sa mga celebrities naman ay may sariling gimik, naging “extra special” ito dahil nagawa pa nilang mag out-of-town.

Kagaya ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan na nag-Pasko kasama ang buong pamilya sa Hokkaido, Japan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

Kakaiba ang pagdiriwang nila dahil sila ay nag-ski sa Mt. Fuji, ang pinakamataas na bundok ng Japan.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Donny ang ilang bonding moments ng kanyang pamilya.

Kitang-kita pa sa muka ng aktor ang kanyang excitement habang cool na cool na nakasuot ng ski equipment.

Caption pa niya sa isang IG post, “SKI DAYYY”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

Nasa Japan din ang celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow.

Ibinandera ni Hayden ang picture nilang tatlo sa Instagram kalakip ang caption na, “Merry Christmas, everyone! May Jesus our Savior fill your hearts today.

“May He be the center of our celebration.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hayden Kho, jr MD (@dochayden)

Ang celebrity couple naman na sina Kim Chiu at Xian Lim ay nagdiwang ng pasko sa tinatawag na “City of Love,” ang Paris.

Makikita sa video post ni Xian na isa sa mga pinasyalan nila ay ang isa sa mga sikat na tourist attraction, ang Eiffel Tower.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Sa post naman ni Kim ay makikitang nagpunta rin sila sa Disneyland Paris.

Sey pa niya sa IG post, “‘The cold never bother me anyway!’ (snowflakes emoji) Spent Christmas day at the happiest place on earth! (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Related chika:

Tracy Perez napasabak sa ‘extra challenge’ bago naging Miss World PH: As a probinsyana, it’s hard talaga!

Direk Cathy sa cast ng My Papa Pi: Challenge silang patahimikin, napakaingay kapag nagsama-sama

#Pasabog: Maiinit na chikang tumatak sa madlang pipol kada buwan ngayong 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending