Neri Miranda paano naging 'top most wanted person'?

Neri paano naging top most wanted person; Ogie may kopya ng mug shot

Ervin Santiago - November 27, 2024 - 11:00 AM

Neri paano naging top most wanted person; Ogie may kopya ng mug shot

Ogie Diaz at Neri Miranda

PINUPUTAKTI ngayon ng mga tanong ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Miranda tungkol sa umano’y pag-aresto sa aktres at negosyante.

Kalat na kalat na ngayon ang balita na inaresto raw si Neri ng mga operatiba ng Pasay City Police kaugnay ng kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na “securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission.”

Una itong ibinalita ng online host na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog at nagbigay ng update kahapon, “Nauna nating ibinalita rito (Showbiz Update) na inaresto si Neri Naig Miranda, ang maybahay ni Chito Miranda sa SMX Convention ng Pasay City Police.

“Dahil may mga nagsampa ng kaso sa kanya hindi ko alam kung ito’y sindicated 13 counts (o 14) at ito pa nakalagay, na top most wanted person pa itong si Neri!

Baka Bet Mo: Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

“Alam mo bang iniidolo ‘yan si Neri ng mga maybahay, ng mga misis kasi nga Wais na Misis ‘yan dahil may mga negosyo, at hindi na nga siya nag-artista kasi talagang tumutulong siya para mabigyan ng trabaho ‘yung mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“May restaurant ‘yan, may resort, may events place, may salon, may Gourmet Tuyo, ang dami, di ba?  Mayroon pa siyang Samgyupsal sa Cebu (City) Jaytee’s (restaurant) sa Tagaytay.

“Sabi nga ng friend ko, mukhang malaking tao ‘yung nakabangga ni Neri dahil sadya na Saturday ipinahuli para walang piyansa kasi weekend, so Monday.

“Actually may nag-send pa sa amin ng mug shot pero minabuti naming hindi na ilabas kasi tayo nalulungkot, bakit ganu’n ang nangyari,” sabi pa ni Mama Ogs.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nagsasalita si Neri o si Chito. Sa Instagram account ng Parokya ni Edgar vocalist ay wala itong bagong post.

Ang huli niyang post ay tungkol sa bagong laruan ng anak nila ni Neri na may caption na, “Ang pinaka-cute na Lego figure.

“Kay Migs ‘to pero parang gusto ko hingin eh,” aniya pa.

Ilang netizens ang nagtanong sa kanya sa comments section kung totoong naaresto si Neri pero wala siyang sinagot sa mga ito. Isa na nga riyan ang pagtawag sa aktres ng “most wanted person” na hindi naman makatarungan.

Sabi nga ng isang netizen, napakaraming magnanakaw at manloloko sa gobyerno bakit hindi raw sila ang hulihin at ipakulong at bansagang “most wanted person.”

Inalmahan din ito ng mga supporters ng wifey ni Chito at nagsabing unfair ang pag-tag sa kanya ng “top most wanted person” na akala mo’y karumal-dumal na krimen ang kanyang ginawa.


Sa isang IG post naman ni Neri ay marami rin ang nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyari pero dedma lang ang aktres. Narito ang ilan sa nabasa naming comments.

“Nagpunta ako dito to check on @mrsnerimiranda kasi i cant believe it. Ano ang crime? It says about SEC ba yun? It is not explain yet by the hubby @chitomirandajr pero i hope hindi siya nagbebenta si neri ng Lots or Properties kasi hindi naman siya Licensed Broker di ba?”

“Wais na misis siya kasi kaya na shock nalang ako sa news, sana maipaliwanag ni Chito ano ang crime ng wife to avoid any speculations.”

“Paano naman naging top most wanted si Neri? Grabe naman! E ang dami ngang magnanakaw na politico bakit hindi sila ang hulihin at ikulong at tawaging most wanted!?”

“Andito ako dahil sa alias erin ! True ba?”

“Neri sana di totoo ang balita about you.”

“Totoo ba na nakulong dahil sa scam?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Neri hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending