Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God | Bandera

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Ervin Santiago |April 17,2022
facebook
share this

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Ervin Santiago - April 17, 2022 - 01:53 PM

Chito Miranda at Neri Naig tuwang-tuwa sa mga nahuling isda

Chito Miranda at Neri Naig-Miranda

NAGING masaya, makabuluhan at punumpuno ng blessings ang long weekend at paggunita ng Semana Santa para sa pamilya nina Chito Miranda at Neri Naig-Miranda.

Naikuwento ng bokalista ng Parokya ni Edgar sa madlang pipol ang ilang activities na ginawa nila ng asawa at ng kanilang mga anak nitong nagdaang linggo.

Ipinost ng veteran singer-songwriter ang mga litrato nila ng kanyang pamilya sa Instagram, kabilang na ang mga kuha habang nangingisda sila ni Neri sakay ng sarili nilang mini yate.

Sabi ni Chito sa caption, “Nag-fishing kami sandali kahapon ng umaga, to see kung may mahuhuli kaming isda, kahit sa gilid gilid lang…malakas kasi yung alon kaya di kami nakalayo.

“Sobrang saya namin kasi nakahuli naman kami, and had the fishes that we caught for lunch, and honestly, sobrang sarap talaga,” pahayag ng celebrity dad.

Paglalarawan pa niya sa mga nahuli mula sa dagat, “Siguro dahil sariwa yung isda…pero tingin ko nakadagdag sa ‘sarap’ yung fact na kami mismo yung nakahuli, using our own boat, and using our own gear (sa wakas, nagamit na namin yung bago kong jigging rods hehe!

“Salamat pala sa @cebutackleshop) similar sa experience at sarap kapag kumain ka ng gulay mula sa sarili nyong garden na kayo mismo ang nagtanim, or ng itlog mula sa alaga nyong manok,” pahayag pa ni Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Medyo feeling mo nilibre ka ni God. Tapos yung kanin namin, mula pa pala sa bigasan ni Neri na nagmula sa pinatanim nyang palay sa farm nila Ninang Mace 3 months ago!

“Kulang nalang, pati yung lamesa at mga plato na pinagkainan namin, ako mismo yung gumawa eh.Wala lang…ang saya lang!” chika pa ng OPM icon.

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi rin ni Chito ang mga litrato ng kanyang mga anak na tuwang-tuwa sa kanilang bonding activies.

“Making Memories…Sobrang saya lang namin ni Neri na may mga ganitong moments sila Pia, Miggy, at Cash, kasama ng Lolo at Lola nila.

“Feeling namin, tama yung mga ginagawa namin sa buhay…” sabi pa ng singer at composer.

Samantala, nag-post din si Neri ng ilang photos sa kanyang IG page na kuha sa kanilang yate. Aniya sa caption, “Fishing muna sa @margaritayacht. Ang sayaaaaaa ko di ba? Haha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maka isang kilo lang kami, pwede nang umuwi at nang may pang ulam na. Paksiw bisugu na to! Patis at sili na sawsawan!” dagdag pa ng aktres sa kanyang post gamit ang mga hashtag na #MargaritaYacht #WaisNaMisis.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Bakit nga ba nag-offer si Angel ng kwarto kina Chito Miranda?

Yassi walang kaarte-arte sa pamamalengke, nakipagtagisan sa paglilinis ng isda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending