Robbie Jaworski super crush sina Kim at Maris; Mikee, Dodot proud sa anak
DALAWANG Kapamilya female stars ang crush na crush ng pinakabagong Star Magic artist at panganay na anak nina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski na si Robbie Jaworski.
Sa mediacon at contract signing ni Robbie kamakailan sa talent management arm ng ABS-CBN, diretsahang inamin Robbie na hinahangaan niya sina Kim Chiu at Maris Racal.
“The truth is, growing up, teenage years, I was a big fan of Kim Chiu. As a fan, nanonood din ako ng mga TV shows, movies. I think Maris Racal is really pretty,” pahayag ng binata.
Paglalarawan ni Robbie kay Kim, “She’s so bubbly, energetic, always smiling.” Aniya, masasabing “happy crush” ang feelings niya kay Kimmie.
Baka Bet Mo: Robert Jaworski tinamaan ng ‘rare blood disease’, may konek nga ba sa basketball?
Impressed naman daw ang bagong Kapamilya heartthrob sa ganda at talent ni Maris, “When I watched ‘Can’t Buy Me Love,’ I thought she’s a fantastic actress. Sobrang galing niya sa role niya. I found her to be very talented, very pretty.”
Mas sumikat pa si Maris nang gampanan niya ang karakter ni Irene Tiu sa top-rating romantic series na “Can’t Buy Me Love” kung saan nakatambal niya si Anthong Jennings kasama sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Samantala, proud parents naman sina Dodot at Mikee sa anak nilang si Robbie pati na rin ang kapatid ng binata na si Rafael Jaworski. Siguradong ganu’n din ang nararamdaman ng lolo niyang basketball legend na si Robert Jaworski, Sr..
View this post on Instagram
“Robbie, as you embark on a new career, I wish you the best, anak. We’ve been so proud of you. I know that you will go places and you will share your talent with the world,” ang mensahe ni Vice Mayor Dodot para sa anak.
Sey naman ni Mikee, “Robbie, may God bless your every endeavor and throughout everything you do, nandito kami para sa ‘yo. We love you.”
Sa tanong kung paano siya magiging iba sa kanyang mga magulang at iba pang kapamilya na nasa entertainment industry, sagot ni Robbie, “My famous relatives set themselves apart from others in their own way, and yung sa akin, hindi ko po masyadong hinahambing ang sarili ko sa mga kamag-anak ko.
“I just see that they have provided me with an example, and I can choose to follow it in my own way or I can choose to go by a separate way.
“And right now I’m just excited to explore and discover myself more because I’m not my father, I’m not my lolo, I’m me. So that is something I am excited to explore and I’m confident na I’ll figure out,” tugon ng binata na mapapanood na bilang VJ sa MYX Channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.