Anak nina Mikee at Dodot na si Robbie Jaworski artista na; bagong VJ sa MYX
PINAG-ISIPAN at talagang ipinagdasal ni Robbie Jaworski bago siya nakapagdesisyon na pasukin ang mundo ng showbiz.
Si Robbie ay ang panganay na anak ng celebrity couple na sina Robert “Dodot” Jaworski, Jr. at Mikee Cojuangco, na isa na ngayong certified Kapamilya artist.
Kahapon, sa naganap na mediacon para kay Robbie, pormal na siyang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN talent management na Star Magic kasama ang kanyang mga magulang at kapatid na si Rafael Jaworkski.
Present din sa contract signing ni Robbie ang Star Magic head na si Lauren Dyogi at ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, at talent manager Girlie Rodis.
Baka Bet Mo: Robert Jaworski tinamaan ng ‘rare blood disease’, may konek nga ba sa basketball?
View this post on Instagram
In-announce sa naganap na presscon ang unang magiging project ni Robbie sa Kapamilya Network, at yan ay ang pagpasok niya sa MYX Channel bilang VJ.
“Yes nag-umpisa na ako as a VJ. The process. I received the honor to present an award last night (MYX Music Awards 2024).
“Unti-unti na tayo pumapasok. I am excited to get to know the other VJs and hosts more,” ang masayang chika ng binata sa mga members ng entertainment media na nasa event.
Ayon kay Robbie, napakalaki ng impluwensiya sa kanya nina Mikee at Dodot pero sariling desisyon daw niya ang pumasok sa showbiz industry at nagpapasalamat siya sa all-out support sa kanya ng pamilya.
In fairness, matagal na raw may mg offer sa kanya na pumasok sa pag-aartista at sa pagho-host. Sa katunayan inoperan din siya noon na maging housemate sa “Pinoy Big Brother”.
“May mga offers na pumapasok but it was this year pinag-isipan ko talaga and dinasalan ko yung decision kasi other opportunities presented itself.
“After seeing my parents and grandparents how they inspire others, I realized this might be an opportunity for me to do find a greater purpose and something bigger than just myself. Hopefully learn to inspire others,” pagbabahagi ni Robbie na talaga namang pang-matinee idol ang datingan.
Hindi naman niya itinanggi na nakakaramdam din siya ng pressure sa pagpasok niya sa industriya pero ito raw ang ginagamit niyang motivation ngayon para pagbutihin ang mga ibibigay sa kanyang projects ng ABS-CBN.
“Minsan nararamdaman ko yung pressure kapag may lumalapit na ‘O, maging equestrian ka because of mom or pasok ka rin sa politika? O, dapat ganyan gawin mo kasi ganito ang pamilya, o kaya sa basketball, lalo na ‘yun.
“So sometimes I do feel pressure but most of the time it is a good pressure,” sey ni Robbie.
Dagdag pa niya, “I am grateful ipinanganak ako sa pamilya na marami nang ginawa or naambag sa komunidad.
“They set the bar high as an example to me. Most of the time I am finding my way and discover who I am,” saad pa ng binata.
Marami ang nagsasabing magiging promising ang career ni Robbie sa showbiz at posibleng siya na ang susunod sa yapak ni Donny Pangilinan na nagmula rin sa showbiz family.
Pero ang tanong ko sa inyo mga ka-BANDERA, sino sa tingin n’yo sa mga Kapamilya young actress ang bagay na itambal kay Robbie? Comment and mag-suggest na kayo guys!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.