Robbie Jaworski in-interview pero ‘di makita sa screen, anyare?
SI Robbie Jaworski ang ini-interview pero hindi naman siya ang focus ng camera.
Napanood namin ang ilang video clip na pinost ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook account kaninang madaling araw na ipinakita ang pagrampa ng mag-asawang Carlo Aquino at Charlie Dizon sa ABS-CBN Ball 2025 red carpet.
Nagkuwento muna ang hosts na sina Bianca Gonzales-Intal at Edward Barber tungkol sa kasuotan ng dalawa at bago ipinasa kay Star Patroller Gretchen Fullido para kapanayamin si Robbie na anak nina Dodot Jaworski at Mikee Cojuangco-Jaworksi na mag-isang rumampa sa red carpet.
Base sa video ay kinumusta muna ni Gretchen ang binata pero biglang nawala na ang camera sa baguhang aktor dahil kinunan na ang pagpasok nina Karen Davila, Small Laude and escort at iba pang guests na audio na lang ng binata ang naririnig.
Baka Bet Mo: Robbie Jaworski shocked nang mapatunayang super sikat si Lolo Jawo
View this post on Instagram
May nag-react na mga kakilala si Robbie dahil bakit daw wala sa kanya ang TV camera gayung ini-interview siya?
“Ano ‘yun binalewala nila si Robbie kasi hindi pa sikat?” tanong sa amin.
Well, kung ikukumpara sa mga kinunan ng TV camera kaya nawala ang focus kay Robbie ay masasabi naming oo dahil sikat si Karen Davila bilang TV Patrol anchor, Small Laude bilang vlogger na may 2.36M followers sa YouTube.
Pero hindi pa rin ito dahilan para hindi na naka-focus kay Robbie ang TV camera.
Anyway, 30 minutes palang napo-post ang video ay umabot na sa 60,000 views, 595 likes and hearts at 9 comments.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.