Robert Jaworski tinamaan ng 'rare blood disease', may konek nga ba sa basketball? | Bandera

Robert Jaworski tinamaan ng ‘rare blood disease’, may konek nga ba sa basketball?

Ervin Santiago - October 14, 2021 - 08:50 AM

Robert Jaworski

BUKOD sa pagkakaroon ng pneumonia, nakikipaglaban din ngayon ang PBA legend na si Robert “Sonny” Jaworski sa isang “rare blood disease.”

Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Dodot Jaworski, Jr., sa publiko kasabay ng pagsasabing hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang nakaka-recover ang ama matapos tamaan ng pneumonia noong nakaraang taon.

“As you know, last year, medyo may mga health issues na ang dad ko. And unfortunately, di pa siya nakaka-recover ng 100 percent, up to now.

“Mayroon siyang blood disease, e. It’s a problem na elevated ang kanyang iron, pero at the same time anemic siya,” ang pahayag ni Dodot sa panayam ni Anthony Taberna sa kanyang vlog na “Tune In kay Tunying.”

Sabi pa ng asawa ni Mikee Cojuangco, “For the past so many years, we’ve been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand anong nangyayari sa kanya. He’s okay naman but he’s not 100% physical strength.”

Ayon pa kay Dodot, malaki rin daw ang naging epekto sa katawan ng kanyang ama ang napakahabang panahon na inilaan nito sa mundo ng basketball kung saan tinaguriang nga siyang “Living Legend”.

“Sa long exposure niya sa physical strain ng hardcourt, siyempre lumalabas ang sakit ng tuhod, sakit sa likod.

“Inaalagaan siya sa bahay niya sa Corinthians. There are days he’s in high spirits, doing very well. May mga araw lang namang tahimik din siya. Sana nga bumalik ‘yung kanyang sigla at lakas,” sabi pa ni Dodot.

“He retired from the PBA at the age of 50. It could be ‘yung high iron levels is one of the reasons why parang naging super active siya compared to the others. Now ngayong nagkakaedad siya, it could be the reason why humina siyang bigla,” lahad pa ng anak ni Jawo.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa lahat ng nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanyang ama, “Sa lahat ng mga fans… we thank you for the well wishes, pero kailangan po ng dasal para tuluyan na siyang gumaling.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending