Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin | Bandera

Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Ervin Santiago |January 05,2022
facebook
share this

Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Ervin Santiago - January 05, 2022 - 01:15 PM

Christine Bermas

PROUD na ibinandera ng baguhang sexy star na si Christine Bermas na naging kasambahay siya noon at napasabak sa kung anu-anong karaketan.

Bago napasok sa showbiz, napakarami ring pinagdaanan ni Christine sa buhay at naikuwento nga niya ito sa members ng entertainment media kamakailan.

Ayon sa Viva sexy star, totoong nagtrabaho siya noon sa kanilang lugar sa Palawan bilang kasambahay para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Kapag hirap kayo sa buhay gagawa ka talaga ng paraan para makaraos. Mga 14 or 15 ako nung pumasok akong kasambahay sa amin sa Palawan,” lahad ni Christine sa virtual mediacon ng Vivamax original movie na “Siklo”.

Aniya pa, “Hindi lang pagiging kasambahay ang ginawa ko nung bata ako. Nagtitinda rin ako ng kung anu-ano sa daan like banana cue, mga kakanin, kahit anong puwede itinda.”

Sundot na tanong sa baguhang aktres, hindi ba siya natakot na mamasukan sa murang edad lalo pa’t maganda at sexy siya?

“Hindi naman po. Yung pinapasukan ko po hindi rin naman ganun kalayo sa lugar namin. Stay out din po ako, tsaka mga kamag-anak ko rin naman yung pinapasukan ko. Hindi naman delikado,” chika pa ni Christine.

Samantala, aminado naman ang dalaga na noon pa niya nais maging artista kaya talagang kinarir niya ang pagtupad sa kanyang ultimate dream.

“Before, nu’ng sa Palawan pa lang ako, dini-dream ko pa lang siya, eh.  And then, lahat ng puwede kong salihan, lahat ng puwede kong gawing way para makamit ko yung dream ko na yon ginagawa ko.

“Umalis ako ng Palawan para lumuwas ng Maynila. Nag-take ng risk at nakipagsapalarawan. Pero siyempre, takot ako, kasi hindi ko rin naman alam ano talaga mangyayari o kung tama ba yung desisyon ko. Pero awa ng Diyos, napunta naman ako sa mabubuting tao na inalagaan ako.

“Natutunan ko na ring maging independent. Almost five years na akong wala sa family ko pero lagi ko silang sinusuportahan and sila yung nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para gawin lahat kasi para din naman sa kanila yon,” paliwanag pa niya.

Patuloy pa niya, “Sa showbiz kasi naiba rin yung mundo ko kasi siyempre, wala namang pakialam sa ‘yo yung ibang mga tao, di ba? Sino ka ba naman? Pero ngayon po, parang ang dami ko ng nare-receive na mga comments – good and bad, lahat. 

“Hindi naman siya yung parang nagiging downfall ko lalo na yung mga negative, parang mas lalo pa akong namo-motivate sa mga nare-receive ko. Basta ang lagi ko lang pong sinasabi sa sarili ko hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko, para po talaga ito sa family ko.

“Kaya lahat, kung may paghuhugutan man na scene, parang lahat po kasi na-experience ko na, eh, bago pa po ako pumunta dito sa Manila. Parang halos lahat po talaga na-experience ko na,” kuwento pa ni Christine.

Tungkol naman sa naging experience niya sa leading man niya sa “Siklo”, ang indie actor na si Vince Rillon, “Tatlong beses na kasi kaming nagka-work together ni Vince, so comfortable na po ako kapag nakaka-work ko po si Vince. Sobrang okey na po siya sa akin.

“Nu’ng unang work lang namin together medyo ilangpa po ako pero nung nasundan na po yon hanggang dito po sa Siklo naging comfortable na po ako sa mga ganung delicate scenes sa kanya, parang laro na lang po sa amin. Pero minsan po siyempre may pressure pa din,” pahayag pa ng sexy star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending