Joel Lamangan bumilib kina Albie, Kit at Christine: Lahat sila professional! | Bandera

Joel Lamangan bumilib kina Albie, Kit at Christine: Lahat sila professional!

Reggee Bonoan |March 12,2022
facebook
share this

Joel Lamangan bumilib kina Albie, Kit at Christine: Lahat sila professional!

Reggee Bonoan - March 12, 2022 - 10:29 PM

Joel Lamangan: May etiquette na tinatawag o sinusundan sa paggawa ng pelikula

JOEL LAMANGAN

PURING-PURI ni Direk Joel Lamangan ang mga artista niya sa pelikulang “Moonlight Butterfly” dahil pawang mga propesyunal lahat. Ito’y sina Albie Casino, Christine Bermas at Kit Thompson na mapapanod sa Vivamax sa Marso 18 produced ng Viva Films.

 

“Lahat sila aktor, lahat sila professional alam nila ang ginagawa nila.  Kapag hindi ka professional, hindi mo alam ang ginagawa mo, hindi ka handa.  Lahat sila handa at willing silang makinig sa instruction na nanggagaling sa direktor at ini-execute nila ng tama dahil mga intelligent actors ang mga ‘yan,” papuri ng direktor sa tatlong bida ng pelikula niya.

 

Natanong din kung may challenge pa ba si direk Joel sa mga sexy scenes sa mga ginagawa niyang pelikula ngayon considering na napakarami na niyang tropeong natanggap bilang best director.  At paano niya naipalalabas sa manonood na hindi nababastos ang mga artista niya lalo na kapag nagpapakita ng balat.  Alam naman din ng lahat na may respeto siya sa mga artista niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)

“Ang pinakamahirap gawin talaga ay ‘yung tinatawag na intimate scenes na magpapakita ng mga skin.  Sa akin ‘yan ang pinakamahirap dahil sa dami ng pinaggagagawa (pelikula) kong mga ganyan kailangan malampasan ko na ang mga nauna kong nagawa.

 

“Iisipin ko kung paano ito magiging exciting na hindi maiinsulto ang sensibility ng mga manonood at hindi magmumukhang bastos ang mga manonood nito, ‘yun ang pinaka-challenging sa akin sa lahat,”paliwanag ni direk Joel sa ginanap na virtual mediacon ng “Moonlight Butterfly” nitong Biyernes.

 

Sa rami ng sexy scenes na nagawa ni direk Joel ay nakaranas na ba siya o nakita niya na may artista siyang physically na-arouse habang ginagawa ang intimate scenes.

 

“Wala pa akong nakikitang physically arouse ‘yung gumagawa ng eksena, wala pa akong nakitang ganu’n sa tagal ko na at marami na akong ginawang ganitong uri ng eksena. Wala akong naranasang ganu’n,” saad ng direktor.

 

Paano kung meron ano ang take ni direk Joel?

 

“Sasabihan ko siya, ‘hoy, maraming taong nakakakita sa ‘yo! Hindi pdeng ganyan. Ito’y sine lang, ito’y shooting lang. Hindi ito totohanang bagay, Hindi mo pupuwedeng gawin ‘yan.  Sasabihan ko siya!

 

“Hindi uubra sa akin (yung itutuloy na lang), dapat hindi ginagawa ‘yun.  Bakit mo gagawin ‘yan, porno ba itong ginagawa natin?  Hindi naman ah!  Mali ‘yun!”

 

Kaya masuwerte raw ang mga artistang naka-trabaho ni direk Joel dahil alagang-alaga sa kanya.

 

“May etiquette na tinatawag o sinusundan sa paggawa ng pelikula, kapag ito’y ginagawa bilang pelikula huwag mong totohanin ‘yung tinatawag na romansahan sa loob ng eksena.  Hindi dapat totohanin.

 

“Halimbawa nagma-make love kayo, hindi dapat totohanin ang gagawin dahil kawawa naman ‘yung babae o kawawa rin naman ‘yung lalaki.  Mali ‘yun!” paliwanag ng premyadong direktor.

 

Kaya pala ‘yung iba ay pinagpa-plaster para hindi masilipan at biktima si Albie rito dahil super nasaktan siya nang maglagay at tanggalin niya ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Joel Lamangan bumilib kay Kit Thompson: All out siya sa pagiging daring, walang tanong-tanong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending