Obra ni Joel Lamangan na nagpanalo ng best actor kay Sean de Guzman sa India at Turkey ipalalabas na sa Vivamax: 'Ito na ang pinamahirap na ginawa ko' | Bandera

Obra ni Joel Lamangan na nagpanalo ng best actor kay Sean de Guzman sa India at Turkey ipalalabas na sa Vivamax: ‘Ito na ang pinamahirap na ginawa ko’

Ervin Santiago - May 03, 2023 - 07:34 AM

Obra ni Joel Lamangan na nagpanalo ng best actor kay Sean de Guzman sa India at Turkey ipalalabas na sa Vivamax: 'Ito na ang pinamahirap na ginawa ko'

Sean de Guzman

UMAASA ang sexy actor na si Sean de Guzman na kahit paano’y mapapansin din ng mga award-giving bodies ang pelikula niyang “Fall Guy” na idinirek ni Joel Lamangan.

Nanalo ng dalawang international best actor award si Sean para sa “Fall Guy” — una sa Chithiram International Film Festival sa India noong September, 2022 at sa Anatolian Film Awards sa Turkey noong August, 2022.

Ayon sa aktor, talagang ipinagmamalaki niya ang naturang pelikula, “Kaya sana po manalo pa tayo ng mas marami pang awards dahil sobrang proud po ako. Sobrang napakaganda ng story at ng pelikula.”

“It’s really great to bring honor to our country. Ito ang pinakamahirap na ginawa kong movie kasi ang bibigat ng mga eksena.

View this post on Instagram

A post shared by sean (@seandgman_)


“Ang dami kong breakdown scenes and I was tortured by cops who’s forcing me to admit to a crime I didn’t commit. But worth it lahat ng hirap kasi I think this is also one of the best films I did,” ang chika pa ni Sean sa naganap na zoom mediacon ng “Fall Guy” na mapapanood na sa Vivamax ngayong buwan.

Sey pa ng binata, “Sobrang tuwa po nu’ng nalaman ko na nanalo po ako ng award para sa pelikulang ito. Sobrang proud po ako na maipapalabas na po dito sa atin itong pinaghirapan naming lahat. Sobrang nakaka-overwhelm po.”

Baka Bet Mo: Sean hindi naniniwalang nabuntis ni Aljur si AJ; sex scenes sa ‘The Influencer’ brutal, madugo, pasabog

Umiikot ang kuwento “Fall Guy” sa buhay ni Julius Sumpay (Sean) na laking iskwater. Hiwalay ang kanyang mga magulang. Namamasukan siya bilang caretaker sa ancestral home ng pamilya Garcia. Katulong rin dito ang kayang ina na si Lourdes (Shamaine Buencamino).

Pinapangarap ni Julius na mamuhay rin ng marangya tulad ng kanyang boss na si Fonzy (Vance Larena), kahit lagi naman siyang pinaaalalahanan ni Lourdes na ‘wag sumali sa kanila. Pero dahil amo niya ito, kung nasaan si Fonzy ay nandoon rin siya.

Dahil malaya siyang magsaya sa party nila Fonzy, tila “belong” na rin siya sa kanila. Pero isang pangyayari ang sasampal ng katotohanang hindi ito totoo.

Pagkatapos ng party, nagising si Julius sa tabi ng babaeng wala nang buhay. Si Jenie (Cloe Barreto) ay ginahasa at namatay sa mga kamay nina Fonzy at ng kanyang mga kaibigan. Laking gulat na lamang ni Julius na siya na ang itinuturong kriminal.

View this post on Instagram

A post shared by sean (@seandgman_)


Ipinakikita ng “Fall Guy” ang mapait na katotohanang nagagawa ng mga mayayamang abusuhin ang kanilang kapangyarihan para matakasan ang parusa, habang ang mga pobreng walang kasalanan ay nagdurusa at hirap makakuha ng hustisya.

Sa kaso ni Julius, malilinis pa kaya niya ang kanyang pangalan kung katarungan rin ang sinisigaw ng nagluluksang nanay ni Jenie na si Beth (Glydel Mercado)?

Mula sa panulat ni Troy Espiritu, ang “Fall Guy”, kasama rin sa movie sina Marco Gomez, Glydel Mercado, Tina Paner, Quinn Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Hershie de Leon at Jim Pebanco.  Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa May 12, 2023.

Sean de Guzman perfect sa ‘Fall Guy’, Joel Lamangan naniguro: Magkakaroon siya ng award sa pelikulang ito

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joel Lamangan tumaya kay Sean de Guzman: Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kakayahan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending