Joel Lamangan tumaya kay Sean de Guzman: Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kakayahan niya Bandera

Joel Lamangan tumaya kay Sean de Guzman: Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kakayahan niya

Ervin Santiago |April 17,2022
share this

Joel Lamangan tumaya kay Sean de Guzman: Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kakayahan niya

Ervin Santiago - April 17, 2022 - 10:22 AM

Sean de Guzman at Joel Lamangan

“AYOKONG limitahan ang sarili ko sa paghuhubad at pagpapaseksi sa pelikula,” ang diretsahang pahayag ng matapang at palabang sexy actor na si Sean de Guzman.

Kaya naman isang napakalaking blessing kung ituring ng binata ang pagdating ng bagong proyekto na gagawin niya ngayong second quarter ng 2022.

Muli nga silang magsasanib-pwersa sa pelikula ni Direk Joel Lamangan para sa “social crime drama” movie na may woking title na “Fall Guy.”

Ang “Fall Guy” ay istorya ng isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay.

Ang pelikula ay isinulat ni Troy Espiritu, produced by Len Carillo of 3:16 Media Network and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

Matatandaang si Direk Joel ang director ni Sean sa launching movie niyang “Anak Ng Macho Dancer” na ipinalabas noong January, 2021.

Nasundan pa ito ng mga pelikulang “Lockdown,” “Bekis on the Run,” “Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa” (hindi pa naipapalabas) at “Island of Desire.” Ang “Fall Guy” ang magsisilbing 6th movie nila na magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)


Para sa isang baguhang aktor na tulad ni Sean ay napakalaking karangalan ang muling maidirek ng multi-awarded director sa isang kakaibang film project.

“Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayung-malayo siya. Hindi na sex ang yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” pahayag ng binata.

Malaki naman ang tiwala ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa kanya sa bagong pelikula.

“Noon pa naman, nu’ng nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Alam kong he will deliver,” papuri ng award-winning director kay Sean.

Ang tanong, tatalikuran na ba niya ang paggawa ng nga sexy movies ngayong nabigyan na siya ng chance na makapagdrama?

Tugon ng binata, “Hindi naman sa ganu’n. Gusto ko lang din ng growth as an actor at mag-explore pa ng iba-ibang roles na kaya ko pang gawin. Malay niyo, after this mag-aksyon naman ako?

“Ayoko lang i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan,” katwiran ng aktor na muling haharap ngayong araw sa entertainment press para sa story conference ng “Fall Guy.”

Confident din ang mga producer ng pelikula na  panahon para subukan naman ni Sean ang ibang genre.

“Marami pa kasi siyang ilalabas na hindi pa nakikita ng tao. Ang dami niyang pinagdaanan at alam kong makakatulong yon nang malaki  sa role niya ngayon,” pahayag ni Len.

Makakasama ni Sean sa “Fall Guy” sina Glydel Mercado,  Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto,  Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon at Itan Magnaye.

Bukod sa mga pelikula ni Direk Joel ay napanood din si Sean sa mga pelikula ng Vivamax na “Nerisa,” “Taya,” “Mahjong Nights”, “Hugas” at sa original digital series na “Iskandalo.”

AJ, Sean hindi na nagtakip ng private parts sa love scenes: Wala na kaming pakialam kung makita!

Sean de Guzman, AJ Raval nagbukingan ng feelings sa presscon ng ‘Taya’

AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending