Direk Joel umaming siya nga ang pinatatamaan ni Ahron Villena

Joel Lamangan umaming siya ang pinatatamaang direktor ni Ahron Villena

Reggee Bonoan - August 29, 2024 - 08:49 AM

Joel Lamangan umaming siya nga ang pinatatamaan ni Ahron Villena

Ahron Villena at Joel Lamangan

MARIING itinanggi ng premyadong direktor na si Joel Lamangan ang kumalat na Facebook post bilang sagot  sa patutsada ni Ahron Villena.

Pinaringgan ng aktor si Direk Joel sa kanyang pag-amin na biktima rin siya ng sexual harassment na nangyari habang nilalagyan siya ng plaster sa private part sa shooting ng ginawa nilang pelikula noon.

“I called direk Joel Lamangan the other night and nagkausap kami and I asked him about this thing kung siya ba ‘yung pinapatungkulan (ni Ahron),” ang pahayag ni Jobert Sucaldito sa online show nila ni Direk Chaps Manansala na “Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon” o “OOTD” na napapanood ngayon sa YouTube.

Baka Bet Mo: Ahron Villena hinamong idemanda ang direktor na nangmanyak sa kanya

Patuloy ni Jobert, “At umamin siya (direk Joel) na siya ‘yung pinapatungkuklan ni Ahron. Si Ahron Villena, siya ‘yung nanalo sa MTB (TV Idol noong 2004).”

Singit ni Direk Chaps, “Magandang Tanghali Bayan (MTB, noontime show noon ng ABS-CBN).”

Pagpapatuloy ni Jobert, “May lumabas na cryptic post itong si Ahron Villena about the sexual harassment thing at ikinuwento niya na few days ago na when he did a film na cameo role daw siya (movie) ay mayroon daw nang-harass sa kanya na isang movie director.

“Pinaalis daw ng direktor ang make-up artist na naglalagay ng plaster sa kanyang private part para sa isang scene sa pelikulang ‘yun, pero pinalabas daw ng direktor at siya na raw ang nagkabit ng plaster at saka ayon sa kuwento ni Ahron Villena parang thrice yata nadaplisan ‘yung private part.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tapos incidentally may lumabas na video itong si direk Joel na hindi ko alam kung anong nauna na ‘yung tungkol sa mga ganito, mga bading at mga bagong artistang lalaki na matagal na raw ito (nangyayari) panahon pa ng kopong-kopong.

“And yes umamin nga na siya ang pinapatungkulan, pero ganito raw ‘yun.  There was this film dawn a starring Lovi Poe kung saan may cameo role nga itong si Ahron Villena.

“So, ang eksena ay medyo maselan kasi si Lovi Poe ang makakasama sa love scene kaya ang ginawa niya (direk Joel) ‘yung make-up artist nga raw na ’yun ay pinaalis niya at siya na ang maglalagay ng plaster kay Ahron Villena.

Baka Bet Mo: Ahron Villena hinaras ni direk habang nilalagyan ng plaster ang kargada

“Nagmagandang-loob lang daw siya (direk Joel) at sinabihan niya si Ahron na huwag magpalagay sa make-up artist baka ikalat niya at kung ano ang ikuwento about you (Ahron) something like that and which is normal yan.

“At ang ginawa niya ay hinigpitan lang niya ‘yung plaster para hindi kumawala kasi nga may ka-lovescene siyang artista at wala raw siyang intension para tsansingan.

“’Yun ang sabi niya, kung baga wala siyang planong tsansingan, ‘yun ang sabi niya kung baga again against  his word against Ahron,” esplikang mabuti ni Jobert habang nakikinig si Direk Chaps.

Nabanggit pa na sa loob ng 30 years daw na nagdidirek si Direk Joel ay wala naman daw po pong nabalitang siya’y nang-harass.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, sa kasakukuyan ay nasa “Batang Quiapo” ang direktor bilang si Roda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending