Ahron hinaras ni direk habang nilalagyan ng plaster ang kargada

Ahron Villena hinaras ni direk habang nilalagyan ng plaster ang kargada

Ervin Santiago - August 26, 2024 - 09:57 AM

Ahron Villena hinaras ni direk habang nilalagyan ng plaster ang kargada

Ahron Villena

Trigger Warning: Mention of rape, sexual harassment

HINDI na nakapagpigil ang hunk actor na si Ahron Villena na patamaan ang isang direktor na umano’y nangharas sa kanya noong nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Sa pamamagitan ng Facebook, inilahad ng binata ang ginawa sa kanya ng naturang direktor habang nasa shooting ng ginagawa nilang pelikula.

Ginawa ni Ahron ang rebelasyon matapos lumbas ang balita tungkol sa naging pahayag ng premyadong direktor na si Joel Lamangan tungkol sa isyu ng pang-aabuso sa mundo ng entertainment industry.

Baka Bet Mo: Pwet ni Ahron Villena pinulutan ng mga beki: ‘Mapangahas…wala ba ‘tong paharap?’

Walang binanggit na pangalan si Ahron sa kanyang FB post, pero mabilis na nagkomento ang mga netizens na mukhang may konek nga raw ang naging pahayag ng aktor sa pagsasalita ni Direk Joel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roche Ahron Villena (@ahronvillena)


Ayon kay Ahron, “May nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyayari yng mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

“Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un!

“Tandang-tanda ko yung kelangan ako magplaster sa eksena cameo role lang ako may tumutulong na sa kin sa production pero pumasok ka sa CR pero pinaalis mo siya.

“Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan,'” sabi pa ni Ahron patungkol sa tinutukoy niyang direktor.

Baka Bet Mo: Ahron Villena: Kapag namatay ako gusto ko ‘yung tragic, ‘yung naaksidente o nabaril ka…

Dagdag ng hunk actor-model, “Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo.”

“Irerespeto kita bilang taobat direktor kasi magaling ka, pero dahil baguhan pa lang ako noon, OO lang ako nang OO kasi kelangan ko din kumita ng pera.

“Malamang hindi mo na maalala kasi sigurado akong hindi lang ako ang ginawan mo ng ganu’n. Nu’ng ininterview ako sa Fast Talk noon hindi kita pinangalanan kasi may respeto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sa kin hindi ako nagsalita.

“Kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun.

“Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganu’ng bagay!” ang rebelasyon pa ni Ahron.

Ang caption naman na inilagay niya sa kanyang post ay, “Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga sinabi eh. Parang dapat maging proud ka pa pala!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roche Ahron Villena (@ahronvillena)


Kamakailan ay nagsalita nga si Direk Joel sa isang panayam tungkol sa reklamong rape ni Sandro Muhlach laban sa independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz at sa pag-amin ni Gerald Santos na ginahasa rin siya ng isang musical director noong 15 years old pa lamang siya.

“Noon pa, meron nang ganun, day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko! Panahon pa ng kopong-kopong, meron na yun. Dyusko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Ang dami!

“Ang dami na noon, ‘Neng hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret…matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong yan. Hindi naman yan bago,” sey ng direktor.

“Kasi, stepping stone yan, e. Gusto mong makilala, gusto mong magka-project. So, papatol ka. Wala kang choice,” dagdag pa ni Direk Joel.

Nagkatrabaho sina Ahron at Direk Joel sa pelikulang “The Bride and the Lover” na ipinalabas noong 2013.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng mga taong involved sa issue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending