Promise ni Jackie kay Vice sa 'LU' viral video: Mag-iingat na 'ko

Promise ni Jackie kay Vice sa ‘LU’ viral video: Next time mag-iingat na ‘ko

Ervin Santiago - July 11, 2024 - 06:10 AM

Promise ni Jackie kay Vice sa 'LU' viral video: Next time mag-iingat na 'ko

Vice Ganda at Jackie Gonzaga

MULING nagpaliwanag ang TV host-dancer na si Jackie Gonzaga sa kanyang viral video habang super sayaw sa isang bar sa La Union.

Nilinaw ng “It’s Showtime” co-host na hindi siya lasing o bangenge nang bidyuhan siya ng mga taong nasa bar sa San Juan, La Union while dancing  to the music of “Water” by Tyla.

Ayon kay Jackie, alam naman niya na maraming nag-video at nag-picture sa kanya habang todo-bigay na humahataw sa paligid ng mga taong enjoy na enjoy sa kanyang performance.

Paglilinaw pa ng dalaga, wala talaga sa plano niya ang magpunta at mag-happy-happy sa La Union.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco sa relasyon nila ngayon ni Ricky Davao: ‘I can’t say we’re chummy-chummy but it’s so much better now’

“That weekend talaga, biglang na-cancel ‘yung work ko. So sabi ko ah, sige sayang naman ‘yung day so spend the day wisely to have fun, you know a little party,” esplika ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.

Sa tanong lasing na ba siya that night, “Hindi naman (talagang masaya lang),” aniya pa.

“Grabe ‘yung mga tao doon, grabe sila mag-hype. Feeling ko ‘yung mga tao doon sa La Union, sa place na ‘yun, parang tropa ko silang lahat. So ‘yung hype nila sa akin ‘Jackie! Jackie!’ Kada music, hina-hype nila ako!” dugtong ng talent ni Vice Ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“’Yung itsura ko doon, pawis na pawis. ‘Yung bangs ko talagang, hulas na hulas na ‘yung hair,” dagdag ni Jackie na kilala rin sa tawag na Ate Girl.

Nakarating siyempre kay Vice ang viral video kaya nag-message agad ang Phenomenal Box-Office Star kay Jackie at nagtanong about the issue.

“Minessage niya ako the next day, kasi nga ‘yung video the next day kalat na. Ang dami nang nakakita.

Baka Bet Mo: Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin ngayon

“Parang nag-worry lang siya, sabi niya, ‘Nasaan ka? Gumimik ka?’ Sabi ko, ‘Ate, nasa Elyu (La Union) ako, I’m with my friends.’

“Siyempre doon sa video parang ang daming tao, hindi siya sure kung sino ang kasama ko,” paliwanag ni Jackie.

“Sabi niya, okay lang naman to enjoy. Be careful ka lang, kasi dalawa lang kami ng friends ko (ang nagpunta doon),” chika pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam ko kung saan siya nanggagaling at naa-appreciate ko siya. Sabi ko, ‘Thank you Ate. Yes next time talagang mag-iingat na talaga ako,’” lahad pa ni Jackie Gonzaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending