Sikat na aktor bangenge sa party; nangharas ng mga girls

Sikat na aktor bangenge sa party; nanggulo, nangharas ng mga girls

Ervin Santiago - May 21, 2024 - 07:10 AM

Sikat na aktor bangenge sa party; nanggulo, nangharas ng mga girls

Guess, guess, who!?

NAGWALA pala ang isang sikat na male celebrity sa isang event na in-organize ng isang production para sa kanilang matagumpay na proyekto.

Ang kuwento, nag-enjoy daw kasi nang bonggang-bongga si male celeb sa naturang party kaya talagang super drink siya ng iba’t ibang klase ng alak.

Kuwento ng ating source, nu’ng simula ng event ay okay na okay naman daw ang kilalang aktor, medyo tahimik pa nga raw ito habang kumakain kasama ang kanyang mga co-stars.

Pero nang magsimula na raw itong tumoma at sunud-sunod na nag-shot, ay unti-unti na siyang nalasing hanggang sa mawala na ito sa kanyang sarili.

Baka Bet Mo: Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, ‘Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat!’

Ayon sa aming kausap, bukod sa naging makulit na ito ay naging madaldal na rin. Kung anu-ano na raw ang pinagsasasabi nito sa kanyang mga katrabaho.

Ang pinakamalala raw sa lahat, ibang kakulitan na ang ginagawa ng male celebrity sa mga kasamahan niyang babae na nananahimik lang at hindi siya pinakikialaman.

“Lasing na lasing na ang lolo mo! Talagang nanggugulo na siya sa party. Hindi siya mapakali. Ganu’n daw pala talaga yun kapag nabangenge na, wala nang sinisino,” sumbong ng ating source.

“Buti sana kung ganu’n lang ang kakulitan niya, pwede pang palagpasin pero umabot na siya sa panghaharas sa mga girls na kasamahan nila. May mga pa-touch at dirty talk nang nagaganap,” sabi pa ng ating source.

Inireklamo raw ng ilan niyang kasamahan si male celebrity sa production kaya gumawa agad ng aksyon ang mga kinauukulan.

Baka Bet Mo: Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

In fairness, nag-sorry naman daw ang lalaking bida sa ating blind item sa mga taong na-offend niya sa kanyang mga pinaggagagawa habang may sapi siya ng alak.

Talaga lang daw lasing na lasing siya nu’ng mga oras na yun. Wala naman daw pinagdaraanan sa kanyang personal na buhay ang aktor kaya siya nalasing.

Mukhang super happy lang daw ang male celeb that time kaya nasa mood siyang lumaklak nang bonggang-bongga!

Siguradong nakatikim ang aktor na ito sa kanyang talent management dahil sa kanyang nagawang sablay. Kaya wait na lang tayo kung tsutsugihin ba siya sa kanyang teleserye o bibigyan pa rin ng second chance.

Nang malaman namin kung sino ang male celebrity na ito mula sa aming source ay shookt din kami dahil wala sa personalidad niya ang maglalasing at manghaharas sa isang party.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapag ini-interview naman namin siya ay magalang at marespeto naman kaya baka naman talagang na-happy lang siya nang todo nu’ng gabing yun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending