David Licauco inamin na ang 'feelings' kay Julie Anne; fans nagwala sa kilig | Bandera

David Licauco inamin na ang ‘feelings’ kay Julie Anne; fans nagwala sa kilig

Ervin Santiago |March 21,2021
facebook
share this

David Licauco inamin na ang ‘feelings’ kay Julie Anne; fans nagwala sa kilig

Ervin Santiago - March 21, 2021 - 12:35 PM

“NILALANGGAM” na naman ang social media dahil sa mga BTS o behind-the-scenes photos ng cast ng upcoming GTV series na “Heartful Cafe.”

Pinagkaguluhan ng netizens ang recent tweet ng Kapuso actor na si David Licauco kung saan makikita ang sweet selfie photo nila ng kanyang leading lady na Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

Maikli pero punumpuno ng kaswitan ang caption ni David dito na, “Ay yung crush ko.”

Kilig na kilig ang mga nakakita nito at inulan ang post ng libu-libong likes. Agree ang netizens na may chemistry ang dalawa at talagang bagay sila para sa mga magiging roles sa inaabangang serye.

Marami pa nga ang humihirit na sana ay totohanin na nila ang mga nakakakilig na eksena!

“DAVID YUNG CAPTION MO TOTOHANIN NIYO NA PLEASE, MAGHIHINTAY KAMI KAHIT GANO PA KATAGAL YAN!!!!!” sigaw ng fan.

Kaya abangan ang nalalapit na pagbubukas ng “Heartful Cafe” sa GTV!

* * *

Ngayong Lunes na magsisimula ang second season ng one-of-a-kind drama series na “I Can See You” with new and exciting stories to watch out for.

Tutukan ang naiibang kuwento ng isang babaeng tuturuan ng tadhana kung paano gumawa ng magic ang tunay na pag-ibig sa “I Can See You: On My Way To You.”

Set to bring romance and mystery in the first installment of the second season, muli ngang magtatambal ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Gaganap si Ruru bilang si Jerrick Alfonso, “This is the first time na gumawa ako ng ganitong klaseng role and it was very hard kasi sobrang iksi lang ng time namin dito.

“Kailangan ko agad ma-build ‘yung character ko and ‘yung chemistry namin ni Shai and ng iba pang cast. But I am very excited na mapanood ng viewers ito. To be honest, kinilig din ako doon sa ‘kawa’ scene naming dalawa,” sabi pa ni Ruru.

Gaganap naman si Shaira bilang Raki Buena, “Gusto kong mapanood dito ng mga tao is ‘yung journey ni Raki after niyang maging runaway bride, kung bakit at ano talaga ‘yung naging rason ng pagtakbo niya.

“‘Yung character kasi ni Raki, marami siyang imagination so gusto kong dalhin ‘yung audience sa ganoon. ‘Yung story ni Raki itself nakatulong siya sa akin so sana ma-feel din ng viewers ‘yung naramdaman ng character ko,” sey pa ng dalaga.

Mapapanood din sa “On My Way To You” ang bagong Kapuso star na si Richard Yap na gaganap naman bilang George Alfonso, ang tatay ni Jerrick.

Ka-join din dito sina Gil Cuerva, Malou de Guzman, Ashley Rivera at Arra San Agustin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang world premiere ng “I Can See You: On My Way To You” sa March 22 after “First Yaya” sa direksyon ni Mark Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending