Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin

Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin ngayon

Ervin Santiago - July 04, 2024 - 11:16 AM

Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin ngayon

IN FAIRNESS, nakagawa na rin naman ng sariling pangalan ang “It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga sa entertainment industry.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung dumarami na rin ang kanyang endorsements tulad ng kanyang talent manager na si Vice Ganda.

Tulad ng kasabayan niya sa “It’s Showtime” na si Ion Perez, kilalang-kilala na rin ngayon si Jackie o Ate Girl ng madlang pipol hindi lang basta dancer kundi bilang isang magaling na host na rin.

Humarap si Jackie kamakailan sa ilang members ng showbiz press para sa bago niyang endorsement, ang Brightest Skin Essentials. Siya ang kauna-unahang celebrity ambassador ng naturang beauty company.

Sa naganap na Q&A portion ng event, natanong namin ang dalaga kung anu-ano ang mga payo ng manager niyang si Vice na nagmarka talaga sa kanya nang bonggang-bongga.

Baka Bet Mo: Jackie martir sa love: Kahit paulit-ulit yung palya, tinatanggap mo lang

“Ang pinakatumatak na advice sa akin ni Ate Vice ay yung huwag kang mag-settle sa okay lang.

“Kailangan sagad, kailangan todo at lahat ng kailangan mong ibigay dapat give mo lahat. Hindi pwedeng, ‘Ay okay na yan. Okay na yan at least nairaos, hindi pwedeng ganu’n,” tugon ni Jackie na nagmumura ngayon ang kagandahan, kaseksihan at kakinisan.

Patuloy ni Ate Girl, “Siya, lagi siyang pasabog, laging give all, laging all out. So, dapat ganu’n.

“Kung may gagawin kang isang bagay na may paghuhugutan ka ng energy mo, dapat give mo yung best mo, with all your heart,” aniya pa.

Sundot na tanong namin sa kanya, “Meron bang mga ipinagbabawal si Vice sa ‘yo kapag nagkakausap kayo nang masinsinan?”

“Bawal na akong bumalik ng LU (La Union)! Ha-hahahaha! Charot lang! Bawal na rin akong dumaan ng NLEX! Ha-hahaha! Hindi, char lang! Actually, wala namang ipinagbabawal si Ate.

“Sobrang understanding niya tsaka gets niya lahat, alam naman niya na tao lang din naman tayo. Pero ang reminder lang niya, siyempre lahat ng bagay kailangan alam mo yung limit mo.

“Alam mo yung mga dapat mong tandaan, kasi for your own safety din naman yung mga binibilin niya sa akin, for protection, guidance, ganu’n lang naman siya.

“Pero yung sasabihin niyang, ‘O, bawal yang ganyan, bawal ganito, wala naman siyang ganu’n da akin,” pahayag ni Jackie.

Ang tinutukoy niyang LU ay ang nag-viral na video niya sa La Union kung saan makikita siyang sumasayaw ng “Water” ni Tyla sa La Union suot ang isang terno crop top at skirt at pinapalakpakan ng mga tao sa paligid.

Samantala, si Ate Girl nga ang newest face ng Brightest Skin Essentials na ipinakilala mismo sa grand revelation ni  Chief Executive Officer Yanna Salonga bilang “Brightest Angel”.

“Maraming, maraming salamat po at grateful po talaga ako and masarap sa puso na pinagkatiwalaan ako na maging face of the brand,” ani Jackie.

Mensahe pa niya, “Kung gusto mong nagniningning ang balat mo, dapat nagniningning din ang kalooban mo”.

“I am so happy and grateful to be part of the BSE Family. Maraming salamat po sa pag-welcome ninyo sa akin dito sa pamilyang ito. I hope and pray, and alam kong mina-manifest natin ito, to more brightest days ahead,” ani Jackie pagkatapos ng kanyang contract signing.

Kasama rin nina Jackie at Ms. Yanna sa naganap na presscon at contract signing ang kanilang Chief Finance Officer na si Mr. Bren Medriano

Naka-join din sa event ang nga distributor ng kumpanya ni Ms. Yanna, “Gusto ko kasama ko kayo ngayon dito at dahil kasama ko kayo nagsimula, every step of the way na ginagawa sa brand kasama kayo at saksi kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana ma-appreciate ninyo lahat ng aming ginagawa para sa inyo, para sa ikatatatag at mas ikagaganda ng ating brand” aniya.

“I want you to be here today because you have been with me since the start. Every step of the way that we are doing for the brand, you are here and witnessed them. I hope you appreciate all that we do for you, to help our brand become stronger and better,” dagdag pa ni Ms. Yanna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending