Jackie martir: Kahit paulit-ulit yung palya, tinatanggap mo lang

Jackie martir sa love: Kahit paulit-ulit yung palya, tinatanggap mo lang

Ervin Santiago |February 26,2024
facebook
share this

Jackie martir sa love: Kahit paulit-ulit yung palya, tinatanggap mo lang

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 08:11 AM

Jackie martir sa love: Kahit paulit-ulit yung palya, tinatanggap mo lang

Jackie Gonzaga

NAGPAKATOTOO ang “It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga nang mapag-usapan ang tungkol sa pagiging martir sa larangan ng pag-ibig.

Kuwento ni Jackie na nakilala rin bilang si Ate Girl sa naturang Kapamilya noontime show, marami rin siyang karanasan sa pakikipagrelasyon na nagsilbing aral sa kanya.

Hindi napigilan ni Jackie na maging emosyonal sa episode ng “ExPecially For You” ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Sabado, February 24, nang mapadako ang usapan sa pagpapakamartir.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jackiegirlg)


“Nu’ng kahit na paulit-ulit ng may ginagawang palya, tinatanggap mo lang,” ang pahayag ng Kapamilya host.

Baka Bet Mo: Tanong ni JK Labajo sa mga baguhang musikero: Bakit n’yo ba ginagawa ‘to? Ano’ng purpose mo?

Pero sabi ng dalaga, sa kabila ng kanyang pagiging martyr para sa usaping pagmamahal ay wala siyang nararamdamang pagsisisi sa naging desisyon niya.

“For love kasi kapag mahal mo ‘yung tao,” ang pagbabahagi ni Ate Girl.

Depensa pa niya sa sarili, “Hindi kasi nu’ng time na ‘yun gusto ko namang gawin ‘yun e, ‘yun yung magpapasaya sa puso mo e’ kasi mahal mo.

“Eh, kapag nilabanan mo ‘yung nararamdaman mo, parang niloko mo lang ‘yung sarili mo so nagpakatotoo lang ako,” paliwanag pa ni Jackie.

* * *

Nagtapat ng pag-ibig ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren sa bagong awitin na “Iyo” na mula sa soundtrack ng primetime series na “Can’t Buy Me Love.”

Baka Bet Mo: Janno Gibbs nagpakatotoo: I’m not the perfect husband and father I would like to be…

Ibinuhos ni Darren ang kanyang damdamin sa awitin na may mensahe ng pagpapahayag ng pagmamahal at pangakong mananatili sa gitna ng iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang inareglo naman ito ni Tommy Katigbak at iminaster ni Dante Tañedo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Unang inawit ni Darren ang Chinese version ng “Iyo” sa “Can’t Buy Me Love” nang haranahin niya ang karakter ni Belle Mariano na si Caroline bilang pag-amin sa kanyang totoong damdamin.

Bida naman sa music video nito na inilabas sa Valentine’s Day sina Maris Racal at Anthony Jennings na kinaaliwan ng mga manonood bilang Irene at Snoop sa serye.

Noong nakaraang taon, inilabas din niya ang single na “Bibitaw Na” sa ilalim ng Star Music na umani ng mahigit pitong milyong views sa TikTok at 285,000 streams sa Spotify.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Damhin ang matamis na mensahe ni Darren sa bagong awitin na “Iyo” na available sa iba’t ibang music streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending