Tanong ni JK Labajo sa mga baguhang musikero: Bakit n'yo ba ginagawa 'to? Ano'ng purpose mo? | Bandera

Tanong ni JK Labajo sa mga baguhang musikero: Bakit n’yo ba ginagawa ‘to? Ano’ng purpose mo?

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 04:28 PM

Tanong ni JK Labajo sa mga baguhang musikero: Bakit n'yo ba ginagawa 'to? Ano'ng purpose mo?

JK Labajo

NAGPAKATOTOO ang aktor at OPM artist na si JK Labajo sa pagsasabing hindi siya after sa titulo at mga awards nang pumasok siya sa entertainment industry.

Natatandaan pa nga namin ang rebelasyon ng binata sa isang panayam sa kanya na may mga tinanggihan na siyang awards mula sa ilang award-giving bodies nitong mga nakaraang taon.

“I wasn’t making music for the sole purpose of being called Asia’s next singing guy or the next total performer or whatever.

“I’m not after those things eh. It’s really all about again being able to execute the ideas that I have and being able to put out the thing that I want to put out and share with the people,” ang pahayag ni JK.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JUAN KARLOS LABAJO (@jklabajo_official)


Sa isang interview sa actor-singer, nagbahagi siya ng ilang paalala at payo sa mga baguhang musicians, lalo na sa mga nawawalan na ng pag-asa at kumpiyansa sa sarili.

“There’s so much pressure now as an artist. You have to be more creative than ever.

“But my advice is to just keep creating. Keep creating music, keep creating content, keep posting,” ani JK.

Ipinagdiinan pa ni Juan Karlos na wala naman talagang “rules” pagdating sa pagpe-perform at pagiging musician basta ang isa sa pinakamahalaga sa lahat ay dapat alam mo kung sino ka at ano ang gusto mo.

“Start with your why. Why are you doing this? What’s your purpose? This would help set the tone and direction of where you want to go. Know yourself as an artist, and find the right partner who believes in what you do,” pahayag ni JK.

* * *

Bukod sa pagiging top-rating at trending gabi-gabi, award-winning na rin ang GMA primetime series na “Maria Clara at Ibarra!”

Sa first-ever Gawad Banyuhay 2022 na mula sa Dr. Carl E. Balita Foundation, pinarangalan ang serye ng Gawad Banyuhay ng Programang Pang-edukasyon.

Mismong si Binibining Klay (Barbie Forteza) ang personal na tumanggap ng award noong December 12 sa Manila Hotel.

Ang Gawad Banyuhay ay kumikilala sa mga indibidwal o grupo na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo o gawain.

Talaga namang dasuurvvved ng “Maria Clara at Ibarra” ang mas marami pang pagkilala! Congratulations!

JK nangampanya para kay Maureen sa Miss Universe PH 2021: Panget po yung mga hindi susuporta sa kanya

Hugot ni Chito Miranda sa pagkakaroon ng sariling pamilya: It gave me a deeper purpose in life…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending