Hugot ni Chito Miranda sa pagkakaroon ng sariling pamilya: It gave me a deeper purpose in life…
Chito Miranda, Neri Naig and family
NAPAKALAKI ng pagbabagong nangyari sa buhay ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda mula nang magkaroon siya ng sariling pamilya.
Nang dahil daw sa asawa niyang si Neri Naig at sa kanilang mga anak, feeling niya ay nagkaroon pa ng mas malalim na kahulugan ang kanyang buhay.
Nag-share ng family photo ang OPM icon sa Instagram kalakip ang emosyonal na mensahe tungkol sa pinakamamahal na pamilya na siyang number one priority niya ngayon.
“One thing I love about having a family is that it gave me a deeper purpose in life.
“Before, it was just me, and my band, and that was it…and that ‘purpose’ grew old fast once I had everything I wanted. Parang wala na akong goal sa mundo kasi nakuha ko na lahat ng gusto ko sa buhay,” pasakalye ni Chito sa inilagay niyang caption.
Patuloy pa ng singer-songwriter, “Having a family shifted my priorities. I suddenly had something bigger, and more important than myself.
“Everything became super clear and simple because all I had to do now was focus on doing what’s best for them. Their well-being and happiness became my primary concern above everything else…and yun yung naging kaligayahan ko sa buhay,” dugtong pa ng bokalista ng Parokya ni Edgar.
Pero paglilinaw niya, “I’m not saying that having a family is the only way to have a purpose in life…but I guess having something bigger and more important than yourself, helps.
“Finding your own happiness will always be the most important thing in life, and for me, I found that sa pamilya ko,” pagtatapos ng award-winning OPM artist.
Sa isang IG post noon, ibinandera rin ni Chito ang paghanga sa galing ni Neri sa paghawak ng pera lalo na pagdating sa pagnenrgosyo.
View this post on Instagram
May dalawang financial tips daw siyang natutunan ngayong panahon ng pandemya para makaipon ng pera sa kabila ng kaunting kinikita.
“Save what you earn and spend what is left, instead of saving what is left after spending what you earn. The 2nd was not to put all my eggs in one basket.
“Someone told me to diversify my investments and sources of income. Para kung may mawalang isa, may iba akong mapagkukunan ng pera. Nu’ng nag-lockdown, biglang tumigil lahat ng gigs.
“Kung umasa lang ako sa pagbabanda, wala sana akong ibang mapagkukunan to provide for my family aside sa ipon na sobrang bilis ma-ubos kung hindi nare-replenish,” pahayag ni Chito.
“Another thing I did was to ‘invest’ in my wife…not necessarily financially, but more of ‘yung time and support she needed for her to succeed on her own. Ngayon, mas malaki na sya kumita kesa sakin (even before mawala ‘yung gigs!).
“At nu’ng tumigil ‘yung tugtugan, at least hindi ako masyado na-stress dahil aside from the fact na nakagawa ako ng mga secondary sources of income, alam ko na kaya kaming buhayin ng asawa ko sa pamamagitan ng pagbenta ng tuyo, suka, kape, at beddings — pam-bed and breakfast lang eh hahaha!
“I’m proud to say na ako pa rin ang provider. Pero mas proud ako kay Neri dahil sobrang laking tulong niya sa amin because of her online businesses,” sabi pa ni Chito.
https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait
https://bandera.inquirer.net/281494/bakit-nga-ba-nawala-si-chito-at-ini-report-sa-pulis-ng-pamilya-at-mga-kaibigan-noong-2010
https://bandera.inquirer.net/287514/bakit-nga-ba-nag-offer-si-angel-ng-kwarto-kina-chito-miranda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.