Pwet ni Ahron Villena pinulutan ng mga beki: 'Mapangahas...wala ba ‘tong paharap?' | Bandera

Pwet ni Ahron Villena pinulutan ng mga beki: ‘Mapangahas…wala ba ‘tong paharap?’

Ervin Santiago |March 15,2023
facebook
share this

Pwet ni Ahron Villena pinulutan ng mga beki: ‘Mapangahas…wala ba ‘tong paharap?’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 08:56 AM

Pwet ni Ahron Villena pinulutan ng mga beki: 'Mapangahas...wala ba ‘tong paharap?'

Ahron Villena

BILANG bahagi ng pagse-celebrate ng kanyang 36th birthday may “regalo” ang hunk actor na si Ahron Villena sa lahat ng kanyang fans at social media followers.

Pinaapoy ng binata ang Instagram nang i-flex niya ang kanyang mga hubo’t hubad na litrato na kuha habang naliligo siya sa shower room ng tinutuluyan niyang hotel sa Palawan.

Nagpiyesta ang mga netizens, lalo na ang mga beking nagpapantasya kay Ahron dahil muli na naman nilang nasilipan ang binata habang naliligo.

Base sa location na nakalagay sa kanyang Instagram post, nasa Cauayan Island Resort sa El Nido, Palawan ang aktor kung saan siya nag-celebrate ng kanyang ika-36 ng kaarawan.

Sa isang litratong ibinahagi ni Ahron, makikita nga ang kanyang puwet na talaga namang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roche Ahron Villena (@ahronvillena)


“Imagine, PARADISE… and ME,” ang isinulat ni Ahron sa caption ng kanyang pasabog na IG photo.

Ilang celebrities ang napakomento sa pa-pwet ng aktor.

“Hahahaha taraaaaaay hubadera thru and thru,” ang reaksyon ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Baka Bet Mo: Ahron Villena: Kapag namatay ako gusto ko ‘yung tragic, ‘yung naaksidente o nabaril ka…

Pati ang kapwa niya hunk actor at TikTokerist na si Teejay Marquez ay hindi napigilang mapakomento. Aniya, “Grabe ka na Ahron.”

“Mapangahas!” ang sabi naman ng kaibigan niyang si Kakai Bautista.

“Ako nalang po sana yung dahon/sanga ng papaya. Joke lang pooo. Enjoy your day po, Ahron!”

“Who took the pic?”

“Wala ba ‘tong paharap?”

Yan ang iba pang komento ng netizens sa papwet photo ni Ahron na nag-birthday nga last March 10.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post ng kanyang nude photos si Ahron sa socmed. Matatandaang nag-viral din noon ang kanyang selfie kung saan nakita ang kanyang naghuhumindig na “pagkalalaki.”

Agad naman niya itong binura sa kanyang IG feed at sinabing aksidente lang niya itong naipost.

Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene Magalona laging ipinagdarasal ang pamilya, mga kaibigang hayop, halaman, puno at mga kaluluwa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending