Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba? | Bandera

Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

Therese Arceo |December 18,2021
facebook
share this

Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

Therese Arceo - December 18, 2021 - 12:44 PM

Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

TRENDING ngayon ang ang Eat Bulaga host na si Allan K at aktor na si Ahron Villena na magkasamang nagbakasyon sa Boracay.

Marami sa mga netizens ang curious kung may namamagitan nga ba sa dalawa dahil kapansin-pansin ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa habang ine-enjoy ang kanilang Boracay trip.

Maski sa mismong Instagram account ni Allan K ay may mga ibinahagi rin itong larawan na silang dalawa lang ni Ahron.

Una na rito ang larawan na may caption na “cheers”, kung saan nag-comment ang aktor ng “Thanks for tonight” na may kasama pang tatlong heart emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @allan_klownz

Marami rin sa celebrity friends ni Allan K ang hindi napigilang mag-comment sa post ng kaibigan.

Ilan na nga rito ay sina Paolo Ballesteros at si Jaya.

“Asan ba ‘yung pamalo ko?” sey ni Paolo.

“Hahaha natawa ako sa pamalo. Iba si AK. Happy Birthday,” comment naman ni Jaya.

Mayroon ring litrato na magkasama sila sa beach at topless naman si Ahron na may caption na “Bawal daw maligo– nanghuhuli ang coastguard.”

Muli na naman ngang nag-comment si Paolo at sinabing, “Kailan ka ba uuwe at nang mapalo kita.”

Mayroon rin silang groupie pero makikitang nakaakbay si Ahron kay Allan K.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @allan_klownz

Ngunit mas naging maugong ang chika at tanungan ng mga “Marites” kung mag-dyowa na nga ba si Allan K at Ahron matapos makita ang uploaded photo ni Allan kung saan sweet na sweet na magkatinginan ang dalawa habang nakangiti.

“Last day,” caption ni Allan na nireplyang muli ni Ahron ng tatlong heart emoji.

Dito ay mas marami pang mga celebrity friends ng dalawa ang nag-react.

“Teka nga,” comment muli ni Paolo Ballesteros na tila hinahanap na ang kanyang pamalo.

“Post kapa nga ng madaming ganyan jowana @allan_klownz para mas maraming manginig sa ingget. Daming miserable. Hindi maka-Move on pati ako dinadamay MORE! MORE! MORE!!! @ahronvillena,” sabi naman ni Kakai Baustista na bestfriend ni Ahron at minsang na-link sa aktor.

“Ayyyyyy Sobra naman… parang ang bagets mo dyan madam..” saad ni Donita Nose.

Di naman papahuli si Giselle Sanchez na nag-comment ng “Ganda ng nanay @allan_klownz ko, may pag-ibig!!”

Marami na sana ang kikiligin ngunit “It’s a prank!” lang pala ang lahat base na rin sa latest upload nito sa Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, sayang naman pero malay naman natin, baka naman may chance at makahabol pa ang dalawa bago ang mag-Pasko?

Abangan natin!

Related Chika:
Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan…
Allan K payag bang magparetoke ng ilong, at babayaran pa ng P1-M?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending