Ahron hinamong idemanda ang direktor na nangmanyak sa kanya

Ahron Villena hinamong idemanda ang direktor na nangmanyak sa kanya

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 07:53 AM

Ahron Villena hinamong idemanda ang direktor na nangmanyak sa kanya

Ahron Villena

HINAMON ng netizens ang hunk actor na si Ahron Villena na lantarang pangalanan ang direktor na umano’y nangharas sa kanya noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista.

Tumulad raw sana siya kina Sandro Marcos at Gerald Santos na talagang matapang na humarap sa Senate hearing upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya.

Nag-post si Ahron sa kanyang Facebook page tungkol sa naranasang sexual harassment sa isang hindi pinangalanang direktor na umano’y nag-take advantage sa kanya.

Baka Bet Mo: Ahron Villena hinaras ni direk habang nilalagyan ng plaster ang kargada

Ang paniwala ng marami, ang pinatutungkulan ng aktor at model ay si Direk Joel Lamangan dahil ang premyadong direktor pa lamang ang nagbibigay ng pahayag tungkol sa talamak na sexual abuse at sexual harassment sa showbiz industry.

Kuwento ni Ahron sa naranasan umanong panghaharas, “May nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyayari yng mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un! Tandang-tanda ko yung kelangan ako magplaster sa eksena cameo role lang ako may tumutulong na sa kin sa production pero pumasok ka sa CR pero pinaalis mo siya.

“Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan. Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo.”

Baka Bet Mo: Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

“Irerespeto kita bilang taobat direktor kasi magaling ka, pero dahil baguhan pa lang ako noon, OO lang ako nang OO kasi kelangan ko din kumita ng pera.

“Malamang hindi mo na maalala kasi sigurado akong hindi lang ako ang ginawan mo ng ganu’n. Nu’ng ininterview ako sa Fast Talk noon hindi kita pinangalanan kasi may respeto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sa kin hindi ako nagsalita.

“Kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun. Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganu’ng bagay!” ang rebelasyon pa ni Ahron.

Hindi pa nagsasalita si Direk Joel tungkol sa issue pero mukhang wala raw kabalak-balak ang premyadong filmmaker na patulan ang pasabog ni Ahron Villena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roche Ahron Villena (@ahronvillena)


Pinabulaanan na rin ng kampo ng direktor na siya ang nasa likod ng isang Facebook post (na nakapangalan kay Direk Joel with matching blue check pa, meaning it’s verified) na kung anu-anong kababuyan ang sinabi about Ahron.

Kasunod nito, pinayuhan ng netizens si Ahron na magsampa rin ng kaukulang reklamo sa tinutukoy niyang direktor sa kanyang post para maparusahan din ito kapag napatunayang nagkasala.

Inaakusahan din kasi ang aktor ng ilang bashers na nakikisakay lang sa ingay ng issue tungkol sa mga kaso ng panghahalay at pang-aabusong sekswal sa showbiz.

Kung talaga raw seryoso siya sa kanyang ipinaglalaban, dumulog na raw siya sa National Bureau of Investigation, sa Department of Justice o kaya’y dumiretso na siya sa Senado.

Narito naman ang mga reaksyon na nabasa namin mula sa ating mga ka-BANDERA.

“Ano na ba nangyari sa mundo ang daming rapist!!! SANA MAGKAROON NG DEATH PENALTY PARA SA MGA NANG RERAPE!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roche Ahron Villena (@ahronvillena)


“Baka kc wala ng pera kaya nagiingay na, kung totoo talaga na my ginawa saknya.”

“Mag lalabasan na po yan kase may nauna na, ang mag gagastos sa lawyer mga mulach at itong mga ibang na harass na wala namang pang gastos sa lawyer, makakatulong din sa kaso. Sana nga po maraming mag silabasan pa.”

“Sinong director ba sabihin mo na agad paduds ka pa.”

“Bat di niya denemanda nuon para may hustisya siya.bkit nanahimik siya kc may purpose din siya na papasikatin.kung ayaw niya o pinilit siya dapat nireport niya agad.”

“Daks daw kc kaya dapat mahawakan muna ni direk?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag at paglilinaw ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending