Ahron Villena binalasubas ng pekeng 'Joel Lamangan' sa FB

Ahron Villena binalasubas ng pekeng ‘Joel Lamangan’ matapos ang pasabog

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 12:05 AM

Ahron Villena binalasubas ng pekeng 'Joel Lamangan'

Ahron Villena at Joel Lamangan

PAGKATAPOS ilantad ng hunk actor na si Ahron Villena ang ginawang panghaharas sa kanya umano ng isang direktor sa loob ng CR, may Facebook post na pinagpiyestahan ng netizens.

Isang FB account na may pangalang “Joel Lamangan” at may profile picture ng veteran at premyadong direktor ang nag-post ng mahabang open letter tungkol sa rebelasyon ni Ahron.

In fairness, parang paniniwalaan mo agad ang pasabog na pahayag sa naturang FB page dahil verified o may blue check pa ang account nito.

Baka Bet Mo: Ahron Villena: Kapag namatay ako gusto ko ‘yung tragic, ‘yung naaksidente o nabaril ka…

Pinalalabas ng nasabing FB account na sagot ni Direk Joel ang nakasulat sa wall nito sa pag-call out ni Ahron Villena sa isang filmmaker na inakusahan niya ng sexual harassment na nangyari raw noong nagsisimula pa lamang siya.

Nagsalita si Ahron matapos daw niyang mabasa ang statement ng naturang direktor tungkol sa mga nangyayaring kaso ng sexual abuse at iba pang uri ng pananamantala sa mundo ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May konek pa rin ito sa pagsasampa ng kasong rape ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz at ng pag-amin ni Gerald Santos na ginahasa rin siya ng isang musical director noong 15 years old pa lamang siya.

“Noon pa, meron nang ganun, day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko! Panahon pa ng kopong-kopong, meron na yun. Dyusko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Ang dami!

“Ang dami na noon, ‘Neng hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret…matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong yan. Hindi naman yan bago,” sey ng direktor.

“Kasi, stepping stone yan, e. Gusto mong makilala, gusto mong magka-project. So, papatol ka. Wala kang choice,” ang pahayag ni Direk Joel.

Baka Bet Mo: Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

Narito naman ang bahagi ng FB post ni Ahron, “May nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyayari yng mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

“Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un!

“Tandang-tanda ko yung kelangan ako magplaster sa eksena cameo role lang ako may tumutulong na sa kin sa production pero pumasok ka sa CR pero pinaalis mo siya.

“Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan,'” sabi pa ni Ahron patungkol sa tinutukoy niyang direktor.


Dagdag ng hunk actor-model, “Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo.”

“Irerespeto kita bilang tao bat direktor kasi magaling ka, pero dahil baguhan pa lang ako noon, OO lang ako nang OO kasi kelangan ko din kumita ng pera.

“Malamang hindi mo na maalala kasi sigurado akong hindi lang ako ang ginawan mo ng ganu’n. Nu’ng ininterview ako sa Fast Talk noon hindi kita pinangalanan kasi may respeto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sa kin hindi ako nagsalita.

“Kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun.

“Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganu’ng bagay!” ang rebelasyon pa ni Ahron.

At ngayong araw nga, August 26, mabilis na kumalat ang screenshot ng open letter daw na naka-post sa verified account na Joel Lamangan at kahit walang binanggit na name, inisip ng netizens na para ito kay Ahron.

Ang sabi sa post, “Paano ka inabuso kung yoon naman ay iyong ginusto? Ikaw pa nga ang may sabi na is*b*.

“Kaya ka hindi kinukuha sa leading man roles ay dahil alam sa buong network at production circles na bakla ka. Hanga din naman ako sa iyo tumagal ka sa industriya dahil sa pamomokpok,” sabi sa post.

May nabanggit din ang sumulat tungkol sa baklang direktor at producer na pinatulan umano ng aktor at sinundan pa ng mga kabastusang pahayag laban kay Ahron.

Dagdag pa nito, “Nakikisawsaw ka sa isyu para ikaw ay umingay at mapag usapan dahil pa laos na. Kaya itahol mo lang yan. Pero never ka inabuso dahil yoon ay ginusto mo.”

Sa tunay na FB page ni Direk Joel ay walang makikitang ganito kaya maliwanag na peke ang naturang account.

Ganito rin ang inilabas na statement ng line producer na si Dennis Evangelista at mariing pinabulaanan na kay Direk Joel galing ang naturang post.

Pahayag ni Dennis hinggil sa poser ng award-winning filmmaker, “Hindi to galing kay direk Joel Lamangan. May poser si Direk Joel Lamangan na nagpapanggap na siya, kumukuha ng datung sa mga gustong mag artista at pinag brief online.

“Tungkol sa pahayag ng artista na allegedly ay pinatatamaan ang Sikat na direktor na siya sexually harassed — walang pahayag o pagpatol na sinasabi si direk Joel Lamangan.

“Hindi ganito magsalita at hindi niya legit na acct etong naka post na to. Hindi rin niya ugaling manlait ng tao.

“Sa kasalukuyan ay busy si direk Lamangan kaya wala siyang panahon pumatol sa mga ganitong isyu,” sabi pa ng line producer at malapit na kaibigan ni Direk Joel.

Ayon sa isang source, mukhang wala nang balak ang direktor na sagutin ang pasabog na rebelasyon ni Ahron Villena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging sagot at pahayag ni Ahron hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending