Andrea Torres patuloy na nakararanas ng pambabastos at panghaharas sa socmed dahil sa sexy image: ‘You’ll never get used to it’
PATULOY na nakaka-experience ng pambabastos ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa mga manyak na netizens sa social media.
Dahil daw sa kanyang sexy image ay may mga pagkakataon pa ring nakararanas siya ng panghaharas o ang tinatawag na “objectification” dahil sa kanyang pagiging sexy actress.
“Meron din po. Lalo na kapag nakakakuha ka ng bastos na comments, you’ll never get used to it,” ang pag-amin ni Andrea sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes.
View this post on Instagram
Dagdag pa ng dalaga, may mga taong parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi sila nambabastos ng mga kababaihan sa social media, kabilang na nga riyan ang mga celebrities na tulad niya.
“Tumatakbo po sa isip ko na paano nila naisip na okay lang na sabihin sa akin ito? I guess ‘yon ‘yung downside nu’n,” ani Andrea.
Ngunit sa kabila nito, feeling thankful naman daw siya sa mga netizens na nagpapahayag ng paghanga sa kanya na hindi gumagamit ng mga salitang nakaka-offend at nakakabastos.
Baka Bet Mo: Korina muling nagbanta: Nasaan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls? Malapit na kayong mapa-NBI
“Though I find it flattering na na-appreciate nila ‘yung hardwork ko sa gym, ‘yung pagda-diet ko, kasi proud ako na nakuha ko ‘yung body na confident ako being in and feeling ko strong ako.
“I feel good when I’m healthy, I’m happy na nakaka-inspire ako ng other girls din,” aniya pa.
View this post on Instagram
“Pero ‘yun nga lang na in favor sa ‘yo ‘yung comment na ‘yun, nagagandahan sila sa ‘yo, nakaka-offend din na bakit nila naisip na okay lang?” pahayag pa ng aktres na mapapanood na very soon sa upcoming Kapuso series na “Love Before Sunrise.”
Samantala, hangga’t maaari raw ay hindi na siya pumapatol sa mga bastos na netizens lalo na yung mga walang identity sa social media o ang mga tinatawag na trolls.
Sey pa ni Andrea, sa totoong buhay daw ay isa lamang siyang simpleng babae, “Actually kapag pumunta ka nga po sa bahay lagi akong nakapaa, naka-daster. And I still enjoy doing the things na ginagawa ko before.
“Little things na makapag-coffee break ako sa isang araw na mag-isa lang ako, muni-muni. I like observing people, fascinated po ako sa buhay ng tao, sa journey ng tao, kaya siguro naging artista rin ako,” chika pa ng Kapuso star na gaganap na kontrabida ni Bea Alonzo sa seryeng “Love Before Sunrise”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.