Erik Matti umalma sa ginawang 'pambabastos' ni John Arcilla, Star Magic | Bandera

Erik Matti umalma sa ginawang ‘pambabastos’ ni John Arcilla, Star Magic

Therese Arceo - February 25, 2023 - 11:03 AM

Erik Matti umalma sa ginawang 'pambabastos' ni John Arcilla, Star Magic
HINDI napigilan ng award-winning director na si Erik Matti ang i-call out si John Arcilla at ang Star Magic na nangangalaga sa aktor.

Ito ay may kaugnayan sa hindi man lang pagbanggit ng aktor sa pelikulang naging dahilan ng kanyang natatanggap na recognition.

Ang pelikulang “On The Job: Missing 8” na idinirek ni Erik ang pelikulang nagbigay ng parangal na Volpi Cup, katumbas ng best actor award sa 78th Venice Film Festival noong September 2021.

At nitong February 22 nga ay pinarangalan si John sa Senado dahil sa ibinigay nitong tagumpay mula sa international film festival.

“Recognizing the achievement of John Arcilla is in accord with the Constitution’s acknowledgement of the importance of arts and culture in fostering patriotism and nationalism and in promoting total human liberation and development,” pahayag ni Senator Lapid na siyang nagsulong sa Senate 490 na kumikilala sa world-class talent ng mga Pinoy.

At labis ngang nasaktan si Erik nang hindi man lang mabanggit ni John ang kanilang critically acclaimed movie sa mga social media post nito maging ng Star Magic.

Sa kanyang Instagram account ay inilabas ng direktor ang kanyang saloobin patungkol rito.

“Ano kayang movie nakapanalo kay @johnarcilla ng Volpi cup? Ni hindi man lang nila mamention ni @starmagicphils yung movie na nagbigay sa kanya ng parangal?” saad ni Erik.

Dagdag pa niya, “Medyo inexpect ko na yun sa Abs na di magmention kasi nung may prangkisa pa sila ganun na sila e. Pag di pabor sa kanila, dedma. Pero yung mismong artista ng pelikula di man lang mamention ang movie? Pwera na kaming mga gumawa, ok lang di masabi pero sana yung movie man lang i-acknowledge.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by erikmatti (@erikmatti)

Aniya, ang Senado nga ay nirecognize ang kanilang pelikula tapos hindi man lang ito nagawang banggitin ni John.

“Ako na magsasabi, “Salamat sa On The Job: The Missing 8 na movie na binigyan ako ng pagkakataon magawa ang role ni Sisoy Salas na ikinapanalo ko ng Venice Film Festival Volpi Cup award nung 2022,” hirit pa ni Erik.

Chika pa niya, lahat raw ng sponsor nito sa derma at diet ay minention nito pero sa pelikulang nagpanalo sa kanya ay hindi nito masabi.

“Bastos kayo!” hirit pa ni Erik na talagang nainsulto sa nangyari.

Matapos naman ang post ng direktor ay kapansin-pansin na pinalitan na ni John at Star Magic ang caption ng kanilang mga posts.

“Congratulations to our team, every time the 78th Venice and Volpi Cup is being mentioned I always feel that it is all of us in the team that is being recognized, not just me, so today I would like to congratulate the whole team of OTJ2 The Missing 8, Erik Matti, Don Monteverde and everyone from Reality Studio. God bless everyone and Godbless our Country! Mabuhay!” parte ng edited version ng post ni John.

Pinalitan naman ng Star Magic ang post nila mula sa larawan nina John, Star Magic Head Laurenti Dyogi, at Star Magic Head of Finance na si Ed Capulong ng larawan na lamang ng aktor na may congratulatory message.

Makikita na ang pelikulang “On The Job: The Missing 8” sa artcard at ang pangalan ni Erik Matti bilang direktor sa caption.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni John at ng Star Magic hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
#PinoyPride: John Arcilla waging best actor sa 78th Venice Film Festival para sa ‘On the Job: The Missing 8’

“On The Job” ni Erik Matti lalaban sa Emmy Awards; napili ring official entry ng Pinas sa Oscars

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryan Agoncillo, Jericho Rosales bibida sa prequel ng ‘On The Job’ ni Erik Matti

Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending