Ryan Agoncillo, Jericho Rosales bibida sa prequel ng ‘On The Job’ ni Erik Matti
BONGGA! Pagkatapos humakot ng award sa katatapos lang na 5th The EDDYS, may bonggang pasabog na na naman ang “On The Job” ni Erik Matti.
Kumpirmadong magkakaroon nga ng prequel ang obra ni Direk Erik after ng success ng unang bahagi nito at ng sequel na “OTJ: The Missing 8” na pinagbidahan nina John Arcilla, Christopher de Leon at Dennis Trillo.
Ayon sa ulat ng Variety, ang prequel ng “On The Job” ay pagbibidahan nina Jericho Rosales at Ryan Agoncillo. Ito ay isusulat pa rin ni Michiko Yamamoto.
Ang nasabing pelikula ay, “set against the turbulent backdrop of the island of Mindanao where Pedring Eusebio, the corrupt mayor of a fictional city called La Paz, rises to power.
“Eusebio, who started out in the rebel paramilitary group New People’s Army, has become the most influential politician and feared man in La Paz,” ayon pa sa report ng Variety.
View this post on Instagram
Si Jericho ang gaganap na Pedring Eusebio, habang si Ryan naman ang magbibigay-buhay sa karakter ni Rene Pacheco, na isang “high-ranking military official” na mapapasabak sa mundo ng politika.
Magsisimula ang shooting ng pelikula sa third quarter ng 2023 mula pa rin sa Reality MM Studios.
Patikim ni Direk Erik sa prequel ng “OTJ”, “I love 1970s Hollywood crime films, or French Jean-Pierre Melville-type cop corruption movies that are no longer being made, although these are films that audiences still enjoy.”
View this post on Instagram
“This will provide another opportunity to bring a fresh, new Filipino crime story with international appeal to the world,” aniya pa.
Ipinalabas ang unang “On the Job” noong 2013 na pinagbidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre. Ang sequel nitong “On the Job: The Missing 8,” ay napanood naman last year kung saan napanalunan ni John Arcilla ang Volpi Cup for Best Actor sa Venice Film Festival.
Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’
Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.