Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya? | Bandera

Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya?

Reggee Bonoan - November 23, 2021 - 06:52 PM

Erik Matti at Ogie Diaz

SA latest vlog ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ay si Direk Erik Matti ang nakapanayam niya kasama si Mama Loi at dito tinanong kung sino ang artistang ayaw nang makatrabaho ng kilalang direktor.

“Meron, sisirain ko? Cancelled na ako nito,” sagot kaagad ng direktor.

Sabi ni Ogie, ibulong na lang sa kanya para ligtas si direk Erik, pero sabi nito ay sasabihin na lang niya ang mga rason.

“Ako ang direktor na hindi ako bastos sa set. Hindi ako naninigaw.  Pag hindi ko gusto ang acting mo maririnig mo pa rin sa akin, ‘Ganda! Try natin ng iba (sabay muwestra na ibahin).

“Hindi ko sasabihin na ‘ba’t ganyan? Bobo ka!’ Hindi ako ganu’n. Hindi ko gagawin ‘yun, pasensyoso ako sa artista and enjoy na enjoy akong makipagtrabaho sa artista.

“So ini-expect ko pabalik (muwestrang pabalik) is a kind of respect sa direktor hindi naman ako nagpapa-diva sa set, eh,” esplika ng nanalong best director para sa mga pelikulang “On The Job”, “Honor Thy Father,” “Seklusyon” at “Food Lore.”

Nabanggit naman ni Ogie na nakatrabaho na niya si direk Erik sa pelikulang “Gagamboy” ni Vhong Navarro.

“Cool. Cool lang siya,” sambit ng talent manager at vlogger.

Sa pagpapatuloy ng direktor, “Isipin mo Dante Rivero na talagang sinasaludo ko talaga cool na cool kami sa set mag-usap.  Mararamdaman mo ‘yung respeto.  Pag tumatagal ang set-up ko siya pa ang nagsasabi, ‘okay lang ako dito, ‘wag mo akong isipin.’

“Kahit may taping pa ‘yan the next day. Alam mo ‘yung mga batikan talaga, mga senior actors. Boyet (Christopher de Leon) ganu’n din.

“Naiinis ako sa artista na never ko naman talaga siyang inasam-asam, parang feeling ko perfect lang siya sa role kaya ko siya kinuha.

“Tapos isipin mo, shoot kaming sobrang laking party sa ‘OTJ,’ party ha, multi-cast. John Arcilla, Dante Rivero, tapos ang dami pang nakapalibot kay Dante Rivero na mga artista rin.

“Nag-rehearse kami, one shot lang.  Buong party one shot lang tuhog lang. Makana ko lang ‘yun okay na uwian na.

“Dalawang rehearse okay na tapos take na. (Tapos) nauna na ‘yung isang artista umuwi…walang paalam,” kuwento ng direktor.

“Ouch!” sabi ni Mama Loi. “Hindi nagpaalam?”

“Kasi may taping pa siya the next day,” sabi pa ni direk. “Galit na galit ako pero hindi na ako nagwala, di ba?

“So, ang sinita namin ‘yung manager na lang bakit nangyari ‘yun? Hindi n’yo ba kinontrol ‘yung artista n’yo? The next day siyempre inulit ko di ba kasi wala na siya.  Isipin mo 200 crowd pack-up ‘yun?” kuwento pa ni direk Erik.

Say naman ni Mama Loi, “Full catering ‘yun may lechon (scene) take two? Oh my God!”

Dagdag pa ni Direk, “Buti na lang the next day kung sino ‘yung nagsabi nang gusto kong sabihin na hindi ako ang nagsabi? Si Dante Rivero, kinuyog siya. ‘Hindi mo man lang kami naisip? Kami nandito lang kami. Kita mo kung gaano kalaki ‘yan naghihintay lahat ng tao?  Magawa lang ‘yang eksenang ‘yan?  May mga bulag na musikero, tapos ikaw umuwi ka lang?'”

Hamon naman ni Ogie, “Puwede bang banggitin ang pangalan?”

Sabi naman ni direk Erik, “Hindi ko mababanggit kasi nag-friend request siya sa akin,” sabay tawanan ang tatlo to the max.

Pero ang clue ni direk Matti, “Rumored boyfriend ng isang designer.”

Sabi naman ni Ogie kilala na niya ang aktor, “Napaka-unprofessional naman niyan, grabe! Pagagalitan ko nga ‘yan pag nakita ko ‘yan. Kasi that same guy nakasama namin ‘yan sa bar na siya ‘yung artista na alam niyang hindi ako umiinom ng alak tapos sabi niya sa akin, ‘oh isang bote lang.’

“Sabi ko, ‘naku hindi talaga, hindi ako umiinom ng alak,” say ni Ogie.

Sabi raw nu’ng artistang ayaw nang makatrabaho ni direk Erik, “Itong isang bote ng (brand ng beer) kapag naubos mo, papatikim ako sa ‘yo!”

“Pero hindi ko ininom ang alak, mamatey, walang nangyari.  Eto pag nagkikita kami, sabi ko, ‘open pa ba ang offer mo?’  Sagot sa akin, ‘Ang tanda na natin ‘Gie,'” sabi pa ng talent manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending