Korina muling nagbanta: Nasaan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls? Malapit na kayong mapa-NBI | Bandera

Korina muling nagbanta: Nasaan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls? Malapit na kayong mapa-NBI

Ervin Santiago - February 06, 2022 - 07:09 AM

Korina Sanchez

MULING nagbanta ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez sa mga bashers at trolls tungkol sa plano niyang naparusahan ang mga ito dahil sa pambabastos sa kanya.

In fairness, hindi na raw masyadong pinupuntirya ng mga bully sa social media si Korina mula nang i-announce ang ginagawa niyang legal na aksyon laban sa mga ito.

Nabanggit ito ng news anchor nang mag-post siya tungkol sa kanyang “Rated Korina: Upuan ng Katotohanan” presidential interview kahapon kung saan nakapanayam niya ang limang kumakandito sa pagkapangulo ng bansa.

Kuwento ni Korina, hindi na raw siya masyadong nakakabasa ng mga kasinungalingang kuwento at fake news tungkol sa kanya.

Sa kanyang Instagram page, ibinandera ng Kapatid broadcast journalist nitong nagdaang Feb. 3 kung saan may patikim siya sa naging panayam niya kay Sen. Ping Lacson na isa sa mga presidential aspirants.

Ang inilagay niyang caption dito ay, “We go into their personal lives and into what makes them all human like us. I went fishing with Sen. Ping Lacson. And then we sit down for the questions.

“Ano ang makukuha mo sa loob ng walong minuto sa bawat kandidato. You’ll be surprised. The longer version of the entire interview can be viewed in our YouTube Channel later.

“THIS WEEKEND. Can’t miss. Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Leni Robredo. On #RatedKorina’s Upuan ng Katotohanan,” aniya pa.

At sa comments section ng kanyang IG post, nagbigay uli siya ng warning laban sa mga trolls —  malapit na raw imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga haters na ito.

Mensahe ni Korina sa kanila, “Nasan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls ba gumugulo at nag iimbento ng kung anu ano tungkol sa akin? Ay. Na block ko na pala sila. Well.

“Malapit na kayo mapa NBI. You cant keep on ruining people’s lives with what you do. Better rethink. Is it worth everything youve worked for that you end up in jail? Food for thought,” ang pahayag pa ng batikang broadcaster at TV host.

Kung matatandaan, nito lang nagdaang buwan ay ni-launch ni Korina ang kanyang bagong advocacy at krusada sa buhay —  ang hantingin ang mga bayarang trolls at bashers online.

View this post on Instagram

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


Bilang isa rin sa mga biktima ng pambu-bully at pambabastos sa social media, nanawagan siya sa publiko lalo na ang mga biktima ng trolls na magsumbong sa kanya at tutulungan niya ang mga ito para mahuli at maipakulong ang mga ito.

“If you’re a victim of online harrassment by paid trolls email me on [email protected] and I will give you the tips how to put them in their place.

“There are administrative and legal remedies for this. Ipakulong natin sila.

“Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. Im in touch with the Senate about this currently. Im on your side, being a victim myself. There’s a way.

“You can start by blocking all those who don’t follow you and those who have just followed you. Anyway, lets chat in private.

“I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right? Let’s put them back there. #TulunganTayo. #DeathToTrolls God’s on our side on this one,” matapang na pahayag ni Korina.

https://bandera.inquirer.net/303016/hamon-ni-korina-sa-bashers-nasaan-na-ang-mga-troll-na-bayaran-napagod-na-ba-kayo

https://bandera.inquirer.net/303280/korina-tatapusin-na-ang-mga-bayarang-trolls-hiyain-muna-natin-nang-todo-bago-ipakulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303422/korina-hindi-tatantanan-ang-mga-bayarang-trolls-simula-na-ng-malakasang-laban-in-gods-mighty-name-amen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending