Darryl Yap nakisali sa isyu ni Ahron Villena

Darryl Yap nakisali sa isyu ni Ahron Villena

Therese Arceo - August 27, 2024 - 07:13 PM

Darryl Yap nakisali sa isyu ni Ahron Villena

Darryl Yap at Ahron Villena

TW: Sexual Abuse

NAGBIGAY opinyon na rin ang isa sa mga kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sa naging viral post ng aktor na si Ahron Villaflor.

Isang cryptic post ang ibinahagi ng direktor matapos niyang ibahagi ang naunang Facebook post ng aktor.

“itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang artistang siya ang nagpaplaster ng titi, kaso naunfriend nya na ako nung 2022. sayang naman,” diretsahang saad ni Darryl.

Wala naman nang naging kasunod ang pahayag ng direktor kung bakit si Direk Joel lang ang bet niyang i-tag pero marami na sa mga netizens ang nag-iisip na maaaring si Direk Joel nga ang tinutukoy ni Ahron sa kanyang pasabog.

Pagpapatuloy ni Darryl, “anlalakas mag-imbento at magkabit sa pangalan ko as Sexual Predator— pero itong mga totoong pangyayari, tahimik. mga walang pinagkatandaan.”

Matatandaang noon pa man ay nasangkot na sa isyu ang direktor matapos siyang paratangan bilang “pedophile’ matapos umanong mang-abuso ng isang menor de edad.

Baka Bet Mo: Darryl Yap bilib sa ABS-CBN: Sa kanila walang nagrereklamo

Bandera IG

Nahain pa nga siya noon ng cyber libel cases sa pamamgitan ng kanyang abogado.

Samantala nagkaroon naman ng gap sa pagitan noon ni Darryl at Direk Joel matapos batikusin ng huli ang kanyang pelikulang “Maid in Malacañang”.

Tinapatan pa nga ito ng direktor ng “Petsa de Peligro” noong 2023 para ipakita naman ang mga naganap noong Martial Law sa ilalim ni Fedinand Marcos Sr.

Samantala, matatandaang umusbong ang isyu sa pagitan nina Ahron at Joel matapos mag-react ang aktor sa kumakalat na screenshot na umano’y post raw ng dorektor at isa sa mga cast ngayon ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Chika ni Ahron, “Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga sinabi eh. Parang dapat maging proud ka pa pala!”

Kalakip nito ang mahaba niyang kwento patungkol sa naging experience sa isang director na bigla na lamang daw pumasok sa banyo at pinalitan ang staff na naglalagay ng plaster sa kanyang pribadong parte ng katawan para sa pelikulang ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending